Chapter 1: First Blood

14.7K 282 42
                                    


 MIANNA


*kring...* *kring...*

Dinig kong pagtunong ng aking pinaglumaang alarm clock.

"Ano ba?!" inis na sambit ko sabay pukpok nang malakas sa alarm clock.

Kainis. Lahat na ang nakakainis. Yung tipong parang naglalakad ka lang sa isang tahimik na lugar na ang mga ibon ay nag-aapoy, ang mga puno ay nasusunog, pati daan, naulan ng apoy at lahat nasa apoy kasi ikaw ay NASA IMPYERNO! MAINET!

Napukaw ang tingin ko sa alarm kong nahati na sa walo. Kaawa-awang tignan.

Ano ba yan!

Pangit na nga ng gising ko tapos masisira pa ang alarm clock ko!

Muli akong humiga sa kama at saka nagdadabog na parang isang bata.

Naalala ko na ngayon pala ako mag t-transfer sa ibang school. Na kicked out ako sa school ko before dahil puro palakol ang mga grades ko. Talino ko 'di ba. Warfreak din ang datingan ko noon. SweetGirlBanatera23—pero gusto kong magbago.

Bigla ko muling naalala na ngayon pala ang pasok ko sa school. First day nga pala ito kaya hindi ako pwedeng ma-late. Kahiya naman.

Sinabi kasi sa akin ni Tita Yvette na sa BU ako pumasok. Napapaisip nga ako anong BU BU echereret na 'yan. Sa private na rin ako nilipat para raw magka good moral naman ako—like HOW!? Mabait naman ako ah. Sexy pa. Puro raw kasi kabalbalan natututunan ko sa public. Ewan. Balasilajan.

Umupo ako sa kama nang mahulasan ako. Umunat-unat pa ako hanggang sa humiwalay buto ko sa katawan—CHAROT.

Tatayo na sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang makulit kong kapatid na si Tyler. Oo may kapatid ako lakampake—char.

"NOOONAA!" he almost shouted.

Binigyan ko na lamang siya ng makahulugang tingin nang makalapit siya sa'kin.

"Papasok ka na Noona?" he asked.

Tumango lang ako at nilisan ang kwarto. Pagkalabas, tumambad agad sa akin ang tita ko na nakaupo sa sofa. Tinaasan pa ako nito ng kilay nang magtapon ito ng tingin sa'kin.

"Bilisan mo sa paggalaw, naghihintay na sila sa'yo. Ano ka prinsesa?" pabungad nito na medyo something creepy ang dating sa'kin.

Naka-kunot ang noo kong tumungo sa kusina. Syempre kumain, naligo at nagbihis. Nagmamadali na kasi ako kasi, bwisit. Ang dami palang requirements na kailangan sa school ayon sa sinabi ni Tita.

Hindi rin nagtagal nang makalabas ako ng bahay. Hindi pa man ako nakakarating sa gate nang may yumakap sa akin mula sa likuran.

"Noona..."

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa'kin at saka ko siya itinapon sa basurahan—char. Humarap ako sa kanya at umupo para pumantay ng tingin.

"Noona will be fine. At saka one week lang ako dun. Babalik agad ako dito ha para mag visit? Mamimiss kita." sambit ko bago halikan ang kanyang noo. Lasang pulbo.

"Mami-miss din po kita, Noona!" aniya tapos ginulo ko yung buhok niya.

Sinenyasan ko siya na pumasok na agad naman nitong sinunod. Tumayo na ako at tuluyang nilisan ang bahay namin.

Naglakad na lang ako papunta sa pinakamalapit na waiting shed. Mga ilang minuto lang din ang lumipas nang may dumating na taxi.

Alam nyo, pangarap ko talagang sumakay sa taxi tapos sasabihin kong 'Manong, follow that car'.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon