Chapter 42: Hello Killer

2.8K 97 4
                                    

Aizel's POV

Naging magulo ang lahat nang may narinig kaming putok ng baril sa labas.

Napasulyap ako sa labas at nakita namin ang mga estudyanteng nagtatakbuhan at nagkakaguluhan.

"Let's get out of here..."sambit ni Timothy bago nya hawakan ang kamay ko papaalis sa lugar na iyon.

Sumunod naman agad sa amin si Freed.

Tumatakbo kami na di alam kung saan pupunta. Hangang sa may mga armadong lalaking naka-mask ang humarang sa amin.

"Sh*t!"narinig kong sambit ni Timmy.

Mas humigpit pa ang pagakakahawak nya sa kamay ko.

Kumuha sya ng baril sa jacket nya at mabilis na pinaputukan ang mga armadong lalaki na nakaharang.

Marami pang sumunod maliban sa kanila. At patuloy lang din sa pagpapaputok si Timothy.

Sa likod naman si Freed. May mga kalaban sa likod kaya sya ang bantay.

Tapos ako, eto. Tamang go with the flow lang habang nakikitang nakikipagpatayan ang mga kaibigan ko.

Sana malakas nalang ako..

Sana kaya ko ring lumaban kagaya nila...

Harvey's POV

Kanina pa ako baril ng baril dito dahil sa mga lalaking nakamaskara na mukhang hindi naman yata nauubos.

Anak ng Tinolang pula!

Ba't hindi kayo maubos-ubos?

Kumaliwa ako ng daan.

Meron na naman?

Agad ko silang pinaputukan hanggang sa maubos ang mga humaharang sa aking daan.


Nang mawala na ang iba sa kanila sa daan ko ay dali dali kong tinahak ang daan sa unahan ko.

Naparami yata ako ng napatay ngayon. Hehe.

Habang naglalakad ako ay nakita ko sina Aizel na hinaharangan ng mga armadong lalaki.

Nagpalit pa ako ng bala ko bago ko paputukan isa isa yung mga lalaki.

Ang galing ko talaga. Napatay ko agad sila ng walang kahirap hirap. Hindi lang ako basta magaling. Gwapo pa!

Aizel's POV

Napalingon ako kung saan nanggagaling yung bala...

Kay...


Harvey! Sya lang pala.

Bakit kaya nya pinatay yung mga lalaking naka-maskara?

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon