Chapter 32: Mannequin

2.7K 103 8
                                    

Mianna's POV

"Mianna... Mianna!"boses na narinig ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at...

A dream!

Isang panaginip lang pala ang lahat. Pero mukhang totoo...

Nakatulog na pala ako nung humiga ako sa kama kahapon.

"Papasok ka?"tanong ni Aizel na bihis na pala.

Mahina akong tumango bago umalis ng kwarto.

Tumingin ako sa lamesa at ayun pinagluto ako ni Timothy.

"Kumain ka na..."sambit ni Timothy habang inaayos ang kanyang uniporme sa harap ng salamin.

Mabilis na akong kumain at pumasok na ng banyo.

Binuksan ko ang shower at dumaloy sa katawan ko ang pagkalamig-lamig na tubig.

Pagkatapos kong lumigo ay mabilis na akong nagbihis at naabutan ang mga kaibigan kong hindi pa pala umaalis.

"Lets go..."aya ni Freed.

Sabay sabay na kaming pumasok sa room.

Sumalubong agad sa akin ang isang napakalakas na aura na ikinatindig ng balahibo ko.

Tumingin ako sa paligid ko at wala namang taong kahina hinala sa kanila.

Wala din namang taong nakatingin sa akin kundi si Spark na may maamong mukha.

Hindi sya...

Kung hindi sya... sino?

Umupo na ako sa upuan ko at sumalubong agad sa akin ang muka ni Tiger na nakapoker face.

Ibinagsak ko na ang backpack ko at naupo ng maayos.

Tumingin ako sa wall clock at may 5 minutes pa bago magsimula ng klase.

Pumunta ako sa likod hindi para mapag-isa kundi magmatyag sa mga kahina hinalang kilos ng mga kaklase ko.

Maya maya pa nang pumasok sa room si Lyon at si Ivy na nakapamay awang at pakembot kembot na pumasok sa classroom.

Mas lumakas ang aura na bumabalot sa katawan ko nung pumasok sila.

Si Lyon kaya? Hindi magagawa ni Lyon 'to.

Si Ivy kaya? Kahit pa may pagkamaldita at may pagkamaarte sya. Hindi pwedeng maging sya.

Dahil babae sya at lalaki ang killer.

Naguguluhan na ako! Sino ba kasi?

Buset na Author to oh!

Dumagdag pa sa mga iniisip ko yung panaginip ko kagabi. Hindi panaginip. Masasabi na nating isang bangungot...

May katotohanan kaya yung panaginip na iyon?

Mas kinikilabutan ako.

Bakit pa kasi ako pumasok sa impyernong lugar na to!

"Ayus ka lang?"tanong ni Spark na nasa tabi ko na pala.

Mahina akong tumango at tumingin sa mukha nya.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon