Chapter 15: Captured

4.2K 117 3
                                    


Mianna's POV

Pagkabukas pa lamang ng nga mata ko , nakita ko agad si Aizel na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko.

"Ayus ka lang? May masakit pa rin ba sa'yo? Anong nangyari?"sunod-sunod na tanong nito

"Okay lang ako 'wag kang mag-alala."sambit ko.

"Mianna, may tanong ako sayo.."

"Hmmm?"

"Kapag ba... nalaman mong hindi ako totoong kaibigan... I mean, nalaman momg hindi pala kaibigan turing ko sa'yo, magagalit ka sa 'kin?"

"Hindi."deretsong sagot ko.

"Bakit naman?"

"First of all, alam kong hindi mo magagawa yun. Hindi mo kayang traydorin ako. May tiwala ako sa'yo kasi ikaw yung unang tao sa lugar na ito na hindi hadlang ang pagkakaibigan para mabuhay dito."

"Pano ka naman nakakasiguradong hindi kita ta-traydorin?"

"Kung ta-traydorin mo man ako, okay lang. As long as masaya ka sa ginagawa mo. Pero 'wag ka na ulit magtatanong ng ganyan ha? Totorjakin kita d'yan eh."sabi ko naman.

Ngumiti lang sya bago n'ya ako yakapin. Ilang segundo lang rin 'yun tumagal bago kumawala.

Pumunta s'ya sa labas at sandali lang ay bumalik din agad sya.

"Cereal?"tanong ko.

"Kaning lamig lang 'to ano pa ba? Alam ko gutom ka na."sagot nya.

"Pero hindi pa ako gutom
"wika ko bago kumalam ang sikmura ko.

*kruuuuuuuu~*

"Sabi ko nga kakain na po ako."sambit ko bago kunin sa kanya yung mangkok na may cereal at gatas at dali-daling nilamon agad ito.

Inabutan pa nya ako ng mineral water pagkatapos kong kumain. Uminom. Muntik pang masamid.

Mabilis nakalipas ang oras. Nakarecover naman ako agad kaya bumalik na kami ni Aizel sa'ming dorm.


Hindi ko din gusto ang atmosphere sa clinic kaya nag suhestyon ako kay Aizel na sa dorm nalang kami—na dapat naman talaga.

Umupo kami sa sofa. Kinuwento ko lahat ng nangyari kanina. Nakinig lang s'ya ng tahimik. Naintindihan naman n'ya ang sinabi ko.

"Teka lang Aizel, feeling ko... naiihi ako.."sambit ko bago ako tumayo.

"Sasamahan na kita."sambit naman n'ya.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon