Chapter 35: Time Is Gold

2.8K 107 17
                                    


Mianna's POV

"Ano ba bitawan nyo nga ako!"sambit ko na ikinabitaw ng kamay ni Lyon.

Pero hindi pa din binibitawan ni Tiger yung kamay ko.

"I will be fine.."sabi ko nalang kay Lyon para wala ng maganap na world war 3.

May sasabihin pa sana ako kay Lyon ngunit hinigit na ako ni Tiger papaalis do'n.

"Bitawan mo nga ako! Ano ba tiger!"sigaw ko pero hindi pa din nya ako pinapansin hanggang sa dalhin nya ako sa harap ng isang pintuan ng dorm.

Hinila nya ako papasok doon.

"Bakit mo ba ako dinala dito!"sigaw ko.

"Mas ligtas ka dito..."mahina pero may puntong sambit nya.

Bigla kong naalala na ako na nga pala ang next target ng killer.

I rolled my eyes bago umupo sa sofa.

"Sinong may sabing umupo ka dyan?"sambit nya.

Hinila nya yung monobloc at inilagay sa unahan ko.

"Dyan ka umupo."dagdag pa nya na ikinainis ko.

Ayoko pang patulan pa ang mga ganyang tao. Tutal, hindi din naman ako mananalo sa kanya eh. Para saan pa? Magpapakahirap lang ako...

Umupo na ako sa monobloc na ibinigay nya para dun ako umupo.

Buset talaga!

"Aalis muna ako. Wag kang aalis dyan and wag kang basta bastang magpapapasok ng ibang tao dito. Are we clear?"

"No!"pagmamaldita ko.

Lumapit sya sa akin at inalapit ang mukha nya sa mukha ko. Kahit inilalayo ko na ang face ko ay inilalapit parin nya ang kanyang mukha.

Bakit ganito? Bumibilis ang tibok ng puso ko

Parang gusto nang kumawala ng puso ko sa pinanggagalingan nito at ilipat sayo.

Harot!

"Are... we... clear?"tanong nya ulit.

Ramdam ko na ngayon ang init ng hininga nya na mas ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Napalunok pa ako bago mahinang tumango.

Nginisian nya ako bago tuluyang nilisan ang kwarto.

Nakakainis! Ginugud time na naman yata nya ako!

Aizel's POV

Bumalik kaming tatlo sa classroom pagkatapos naming mag usap sa labas.

Flashback...

Dinala kami ni Ice sa mga benches sa widespace at doon nag usap.

May sinabi syang isang sikreto sa amin na ikinagulat namin.

"Ano!"sambit ko.

Ngumiti sya bago sumenyas na wag naming sasabihin sa iba yon kahit kay Mia.

Mahirap magtago ng sikreto kay mia. Para syang K9 na kayang amuyin ang mga sikreto namin no!

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon