Chapter 47: The Chosen One

2.5K 85 0
                                    


Mianna's POV

Stella?

Sino ba sya?

Bakit sinasabi sa akin to ni Cielo? Sino ba si Stella?

Anong meron sa kanya?

Bakit ko sya iisipin?

Nagrereview ako dito tapos manggugulo 'tong babaeng to!

Nasa'n ako ngayon at nakaupo sa isang swing.

Ang dami ko na ngang iniisip tapos dadagdag pa yang Cielo na 'yan! Nakakainis!

Dinuyan ko nalang yung swing para medyo malibang...

Tumingin ako sa paligid ko at halos maubos na ang lahat ng estudyante dito sa BU.

Tanghaling tapat ngayon pero parang gabi kung tutuusin.

Nung pumasok naman ako dito ay medyo madami pa naman ang mga tao.

Maya maya pa nang magkulimlim na hudyat na ng pag ulan. Naubos naman ang mga estudyanteng nakapalibot sa akin dito kanina.

"Maka-alis na kaya..."sambit ko sa sarili ko bago tumingin sa langit.

Mukhang uulan na nga...

Tumayo na ako at aalis na sana nang...

"Never do a one move that you will regret at the end..."hindi pamilyar ang boses nya pero pamilyar sa akin ang aura nya.

Tumalikod ako para harapin kung sino yung nagsalita.

Yung naka- black hoodie jacket.

Kilala ko sya. Sya yung lalaking nakita ko nung una kong pasok dito sa BU. Sya din yung taong nakabangga ko sa cafeteria.

Sya ba ang killer?

Sya ba?

Sa palagay ko hindi. Ibang iba ang aura nya sa aura ng killer. May mali dito.

"Wag kang mag-alala. Hindi ako yung killer..."malamig at mahinang sambit nito.

Alam ko!

"S-sino ka?"dahil sa curiosity ko, hindi ko na napigilang magtanong.

"Sino ako?*chuckles* mabuti nang hindi mo malaman ngayon Mianna..."sambit nito.

Kumunot naman ang noo ko dahil dun sa sinabi nya...

Kilaka nya ako?

Tapos, hindi ko sya kilala? Ba't parang ang unfair?

Pano nya nalaman?

Masyado na ba ang sikat?

"Kung hindi ikaw ang killer, sino?"tanong ko.

Tumawa pa sya ng mahina bago magsalita....

"The more you know, the more you face the hell..."sambit nito na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

"Never let to flow your curiosity through your own body. Siguro nga, malalaman mo ang isang bagay jung curious ka dito. Pero... curiosity kills the cat."dagdag pa nito.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon