Chapter 7: The Moment

5.2K 158 1
                                    


Mianna's POV

May mga tanong sa isipan ko na hindi ko kayang sagutin sa ngayon. At worst, napakarami ng mga tanong!!! Bakit ganon?! Naiintriga ako! Hindi ako mapakali! Nakakainis!

Maaga akong nagising. Hindi ko rin alam kung bakit. Ginugulo nung death maratahon na event yung utak ko. Miyerkules palang naman ngayon kaya may time pa kaming makapaghanda. Basta, nakakasiguro akong madugo ang linggong yon.

Niyaya ako ni Aizel maligo sa shower room. Mas presko raw kasing maligo doon compared sa banyo namin na sobrang lamig.

Heto na naman kami na naglalakad at kine-kwentuhan na naman ang isa't-isa para malibang. Nakakatakot ang tingin sa amin ng bawat estudyanteng makakasalubong namin. Ang iba ay nakatingin sa amin at ang iba naman ay pumasok nalang sa kanilang mga dorm. Bakit sila natatakot?

Nagkibit balikat nalang ako sa nangyayari habang si Aizel naman ay nakanguso at akala mo'y pinagsakluban ng langit at lupa.

"Oy." tawag nito sa akin na nakapagpabalik naman sa akin sa ulirat.

"O?"

"Nakikinig ka ba?"

"B-bakit? May sinasabi ka ba?"

"Nako Mianna, halos mamaos na ako rito ka e-emote tapos ikaw, lutang!"

"Sorry naman. Hindi ko naman alam eh na...kanina ka pa pala nagsasalita dyan. Hehe."

Pagdating namin sa public bathroom, napanganga nalang ako dahil hindi ako makapaniwala na ganito pala kalaki ang banyo dito. Mas malaki pa ito kaysa sa bahay namin. Mahirap lang kasi kami kaya maliit lang ang bahay namin. Hindi naman sobrang hirap. May kaya lang. Anyways, mayroon itong pool sa gitna.

Pumunta na kami ni Aizel sa locker namin upang kumuha ng susuotin. Nakakahiya kung maliligo kami ni Aizel sa pool ng kami lang kaya sa shower room nalang kami naligo. Shower room lang ito pero kumpleto na ito sa sabon, isinampay ko ang tuwalya ko sa taas ng pintuan. May brand pa nga. Kaso hindi sponsored kaya 'wag na sabihin. Emeged.

Habang naliligo ako ay narinig ko na may taong pumasok ng shower room. Baka magsho-shower lang kaya hindi ko na ito pinansin. Ilang saglit lang nang hinalbot yung towel ng bagong dating sa taas ng pintuan.

"Hoy! Ano ba! Ang magna naman!" sigaw ko.

Dali dali kong binuksan ang pinto para tignan kung sino yung kumuha nung tuwalya ko.

"Hoy! Tumigil ka! Ibalik mo sa akin 'yang tuwalya ko!"sigaw ko sa kanya habang karipas ako sa pagtakbo upang makahabol.

Yun lang kasi ang binigay sa akin ng mama ko bago s''ya mawala. Kaya hindi ako makapapayag na pati 'yon ay mawala.

Hinabol ko s'ya hanggang sa makarating kami sa ikatlong palapag, dorm ata n''ya. Agad niyang sinaraduhan ang pinto.

Ang kapal!

"Hoy buksan mo itong pintuan! Ibalik mo sa akin 'yan!" sigaw ko habang kinakatok yung pintuan at kaunti nalang talaga, sisirain ko na 'to sa sobrang inis.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon