Chapter 10: Meet Scarlet

4.8K 149 4
                                    


Mianna's POV


Pagod na ako!

Ang hirap hirap maglakad tapos ito pa, hindi namin alam kung saan pupunta! Naiiyak ako tuwing nasakit yung tuhod ko.

"Saan ba tayo pupunta?"  pambabasag ni Aizel sa katahimikan.

"Hindi ko alam." tugon ni Freed.

"Ha?! Hindi natin alam?"

"Malamang kaya nga na kidnap eh." singit ko sa kanila.

"Ah, Mianna, may tanong ako.tanong naman ni Aizel bago itapon yung lata ng soda na kanina pa n'ya iniinom.

"Oh? Ano yun?"

"Curious lang kasi ako eh. Tatawagin pa bang na kidnap ang isang tao kahit matanda na?"

"What do you mean?"

"Eh kasi di ba kidnap? From the word kid—"

"Hindi naman kasi porque kidnap ay kid agad. Oo may kid s'ya pero sa nakasanayan na kidnapping talaga ang tawag dyan. Hihihi, nag fe-feeling matalino na naman ako!"

"Ano ba!? Ang dadaldal n'yo bilisan n'yo kasing maglakad!" inis na sabi ni Freed. Lalong bumilis ang kanyang hakbang.

Arte mo! Madapa ka sana!

Habang naghahanap kung saan saan, napansin namin ang isa na namang grupong naka blazer. Nakakabaligtad lang ng sikmura na panoorin silang hatiin sa gitna yung tatlong estudyante gamit ang isang chainsaw.

Ew!

"Sh*t!" narinig kong sambit ni Freed.

Hinawakan ko ulit ang kamay ni Aizel para naman hindi s'ya mahuli just incase may habulan na namang mangyari.

Naglalakad lang kami ngayon nang dahan dahan na akala mo'y para kaming magnanakaw.

Nang mahagip kami ng tingin ng isa sa kanila ay dali dali kaming tumakbo at 'di na naman alam kung saan pupunta. Randam namin na sinusundan nila kami.

Hingal na hingal na ako beh!

Kahit hindi pa kami masyadong natatagalan sa pagtakbo ay hinihingal agad ako. Unti unting nanlalabo ang paningin ko pero hindi ko yon ininda. Pumikit ako nang mahigpit at umiling iling para makakita ng malinaw. Sa ngayon, nakakakita pa naman ako kahit medyo malabo.

Teka teka teka...

"MIANNA!"

"Sh*t!"

Sa katangahan ko, nadapa pa ako.

Agad akong binalikan nilang dalawa at itinayo. Syempre ako naman 'tong uugod ugod ngayon dahil masakit!

Inalalayan nila ako para makapaglakad pa.

"Kaya ko pa." sambit ko.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon