Chapter 11: Hideout

4.3K 132 7
                                    


Mianna's POV

Sa lugar na kinatatayuan ko, natutunan kong... kung mahina ka, hanggang d'yan ka nalang. Wala ka nang karapatang mabuhay. Pero kung malakas ka at may tiwala sa sarili, makaka-angat ka sa kanila.

Pagkapunta namin sa kuta ng BS, napansin namin ang isang na pinto. May mga bahid ito ng mga natuyong dugo. Gumawa ito ng maingay na tunog ng kinakalawang na metal nang bumukas. Nkasalubong namin ang tatlong lalaking naka-maskara. Agad kumuha yung babaeng kasama namin ng baril bago paputukan isa-isa ang mga nakaharang sa 'min. Saglit kong tinakpan ang tainga dahil sa putok ng baril na katabi ko lang.

Masakit sa tenga teh!

"Bilisan natin." sambit ni miss blonde.

Pumasok kami sa nasabing lugar. Napansing walang tao. Iginala ko ang tingin para tignan kung may nagmamasid sa 'min. Hindi ako makapaniwala na may ganitong lugar dito.

"Sino kayo!?"

May dumating pang mga lalaking naka maskara na bago pa makapaglabas ng baril ay napaputukan na ng babaeng kasama namin.

"Let's take this way." sambit nung babae.

Bahagya kong tinignan yung name badge n'ya at nakita ko ang kanyang pangalan. Scarlet Alberona pala, myembro s'ya ng grupong nung mga babae kanina. May logo din sa badge n'ya.

Ibig sabihin, masama rin s'ya? O puro ka-charotan lang pinagsasabi sa 'kin ni Aizel?

Sumunod kami kay Scarlet at nakita namin ang isang babaeng nakasabit sa kadena sa di kalayuan.

Creepy...

May hook na nakasabit sa bawat kadena na naka tusok sa balat nya. Ito lang ang nagsisilbing handle nya para hindi sya mahulog. May roon ding malaking blade na nakatapat sa leeg nya at sa oras na bumigay ang balat n'ya sa kamay, paa at iba pang bahagi ng katawan. Mahahati ang buong mukha at maari syang mamatay—hindi, mamamatay talaga sya!

"Tulong!" sigaw nung babae.

Balak na namin s'yang hindi tulungan pero naka-lock ang susunod na room papunta kay Timothy—ayon kay Scarlet.

"Nasa taas ko ang susi papuntang kabila kaya tulungan n'yo ako!" mangiyak-ngiyak na sabi n'ya sa amin.

"Bawat room na pupuntahan nyo ay naka-lock. Kailangan n'yo muna akong tulungan bago kayo makapunta dun sa kaibigan n'yong lalaki. Mukhang may galit sila do'n kaya sa kabilang room n'yo pa siya makikita." dagdag pa nya.

"Tulungan natin s'ya." suhestyon ko kay Scarlet pero inirapan lang ako nito.

Wala na kaming choice kundi tulungan s'ya bago pa dumating ang mga tao dito.

"Wag kang mag alala ililigtas ka namin d'yan sa taas."sabi ni Sacrlet.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon