Chapter 13: The First Day

4.3K 147 12
                                    


Mianna's POV

"Gising! Gising!"

Masakit pa ang matang napamulat ako nang yugyugin ako sa balikat ni Aizel.

"Gumising ka na, bilisan mo." nakakairita niyang pag-gising sa'kin.

"Ano ba kasi yon!? Mamaya pa naman ang klase ko ah?! Panira ka nang tulog ko eh!"  patuloy pa rin akong humalukipkip sa kama.

"Ano ka ba? Mabuti pa bumangon ka na d'yan kasi magbubunutan na mamaya para sa gaganaping event!" excited n'yang sambit na ikinakunot ng kilay ko.

Umalis na rin si Aizel sa tabi ko. Tumayo na ako ng kama. Kinamot ang sakong. Saka ako pumunta sa banyo para mag-ayos.

Mabilis lumipas ng oras at lumabas na kami sa dorm. Bumaba para pumuntang field. Habang naglalakad, napansin ko ang mga bahid ng dugo sa hagdanan. Nakakatakot...

Hindi napansin yon ni Aizel dahil busy s'ya sa kakalaro sa phone ko.

Anong nangyari dito?

Minabuti ko nang itikom ang bibig ko para hindi sya maistorbo sa kalalaro n'ya. Hindi na rin naman siguro bago sa kanya mg ganito kaya hindi ko na rin sasabihin.

Kahiya nemen.

Kanina pa n'ya pinaglalaruan si Pou. At parang ngayon nalang ulit nakalaro.

Banong-bano eh.

Pagdating namin sa field, nakita namin na tumatakbo si Timothy papalapit sa'min. Tumigil sya sa harap namin habang hawak nya ang dalawang tuhod nya. Mukhang nakarecover na nga s'ya pamula nung nangyari nung isang araw.

"Kamusta ka?"panimula ni Aizel. Malawak ng ngiti sa labi. Pasimple ko naman s'yang sinundot sa tagiliran.

"I'm fine. Gwapo pa rin. "sambit ni Timothy na nakangiti na ngayon tapos may patango-tango pa.

Inaya n'ya kaming umupo muna sa bench habang hinihintay dumating si Madame Elizabeth na mag a-anounce mamaya sa bunutan.

"U okay? "tanong ni Timothy sa'kin.

"I'm fine, thank you for your concern."tipid na sagot ko. Ngumiti ng pilit. Wala ako sa mood.

"Sungit. Tsk. Eh ikaw Aizel? Ok ka lang? "tanong nya ulit.

Tumango lang si Aizel. Tumingin sa kawalan.

"Alam mo, hindi ko gusto yung ganitong event."pagsisimula ko ng topic. Sinipa yung lata sa paanan ko.

"Wala naman kasing may gusto nito. Tanging ang principal lang."

"Yah tama. Pero nakaka-excite pa ren."pagsasang ayon ni Aizel.

"Ewan ko sa'yo Aizel. Kailangan gumawa na tayo ng plano."

Maya maya pa ay dumating na ang principal at pumunta na sa gitna na mukhang mag-aanounce. Nagsitipunn na rin ang mga estudyante. Dali dali kaming pumunta sa gitna upang makihalubilo sa iba.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon