Chapter 55: The Mastermind

2.6K 83 3
                                    


Mianna's POV

Sabay sabay kaming apat na pumuntang hallway at nakipagbarilan sa mga iba pang lalaking naka-maskarang pula.

*BANG! BANG! BANG!*

Bakit ba kasi hindi kayo maubos ubos!?

Kahit pa masakit ang ulo ko ay hindi ko na ininda at nagpatuloy nalang sa pag-papaputok ng baril.

Unti unti nang nauubos ang mga lalaking nakamaskara. At ito lang ang masasabi ko sa lahat ng nangyayari sa lugar na ito. Malapit nang mawala ang lugar na kung saan legal ang pagpatay...

Ang lugar na kung tawagin ay...

Bloody University...

Lucas POV

Pucha!

Kanina pa hindi matapos tapos ang madugong labanan na to ah.

*BANG! BANG! BANG!*

"Kamusta na si Nicole? Ayus na ba yung binti nya?"tanong ko kay president pagkatapos kong patumbahin yung apat na kanina pa nagpapaputok ng baril dito.

Tinignan naman nya ako ng masama.

Woooah!

"Relax man, relax!"sambit ko sabay taas ng dalawang kamay.

Tang*na!

Kanina pa ako hindi makalaban nang maayos dahil sa napakadami nila. Lalo pa yata silang dumadami habang nalipas ang oras.

"Want a help?"tanong ni Scarlet na kakadating palang dito.

"Than—"

Hindi pa ako tapos magsalita nang pagpuputukan na nya isa isa yung mga lalaking naka-maskara sa bandang likod ko.

By the way, nasa widespace pala kami ngayon ni Scarlet kasama sina Nicole at Nigel.

*BANG! BANG! BANG!*

Nagpaputok na din si president ng baril.

Wooah! Hanep!

Ang galing nyang gumamit ng baril. Di na masama...

Lodi!

"Malapit nang matapos ang lahat..."narinig kong sambit ni supremo kaya napatingin ako sa kanya.

Nakakatakot ang tingin nya. Nakakapangilabot ang pagngisi nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Nakakatakot sya...

Nagulat nalang ako nang bitawan nya ang baril na hawak nya kumuha ng kutsilyo sa jacket nya. Tinanggal nya ang jacket nya at...

Wag mong sabihing...

Maya maya pa nang sumugod sya sa mga lalaking naka-maskara at pinagsasaksak nya ito isa-isa.

Bloody University: The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon