Tale 16

27.2K 1K 42
                                    


Tale 16

Game of Storms

~Charm~


"Sya yun right???"


"Yep. The rumored weakling.."


"To think that she's a witch in training, I can't believe she was captured by slave traders.."


"But she was lucky. At least she was saved by Headmaster Fridd.."


"Ugh. This people.." dinig kong reklamo ni Flay habang gigil na gigil na nginunguya yung waffles na kinakain nya..


"Next time wag na lang tayo dito kumain sa cafeteria.." opinyon ni Javen


"Are you okay??" tanong sakin ni Roma


Tumango ako..


Normally dapat naglaho na ko at naging invisible sa ganitong sitwasyon.. Everyone keeps glancing at me. Yung iba mukang naaawa, habang yung iba mukang natatawa, pero karamihan mukang wala lang mapag-usapan kung hindi yung balitang kumalat sa school about sa nangyari sakin.. Pero after nung nangyari sakin, somehow I don't feel scared to be stared at anymore.. I'm not weak at sigurado ako dun so why should I care if they think I'm weak? I know I'm not..


Last Sunday lang nangyari ang pagkakadakip sakin ng mga slave traders. Monday kami aksidenteng napadpad sa Ouryuu Village at Tuesday noong natagpuan kami nina Kuya Grey.. Hindi ako sa school tumuloy noong nakabalik kami dito sa Aureus kung hindi sa Mansion ni Lolo.. Buong loob kaming tinanggap ni Lolo sa tahanan nya, hindi pa nga ako makapaniwala na nag-alala sya para sakin.. Minsan lamang ako humingi ng tulong kay Lolo kaya naman noong hiniling ko na tulungan nyang makabalik sa kanya-kanya nilang bayan ang mga kasama ko ay agad syang sumang-ayon..


Kagaya ng sinabi nila, sa Andora patungo ngayon sina Louise, Erigor, Yvonne at maging si Creyon.. Noong tinanong ko si Creyon kung hindi pa sya babalik sa pamilya nya ay sinabi nya lang na may mga myembro ng pamilya nya dito sa Aureus kaya naipagbigay alam na nya ang plano nyang pagbisita sa Andora. Nobility kaya ang pamilya nya para magkaroon ng branch dito? Or sadyang lagalag lang din sila na tulad nya?? At hindi pa nga ako makapaniwala noong nalaman ko na hindi pala fourteen years old si Creyon, she's even older than me. Hindi kami agad naniwala na nineteen na sya at magkasing edad pala sila ni Yvonne.. Nalaman ko rin na twenty two na si Erigor habang twenty five na si Louise, pero kahit mas matanda sila sakin, umiyak pa sila noong magpaalam sila sakin at nangakong babalik bilang mga worthy followers ko.. Natawa ako sa mga itsura nila, at masaya ako na naging magkakaibigan kami.


"Magic Users think they are so high and mighty, but one of them was easily captured by a mere slave trader. Pathetic.."


"She's just a freshman. Don't be so judgmental..."


"But it's a lesson for those people from DCM.. They think they are so special just because they can use magic.."


"Tsk. Kahihiyan sating mga mage ang babaeng yun.. Look, everyone is looking down on us just because that girl is weak.."


"Ugh. That's it!" dinig kong singhal ni Flay at agad syang hinawakan sa braso ni Javen para pigilan itong magwala..


"Flay relax.. Huhupa rin ang issue na toh.." saad ko


"Pero masyado ka nilang minamaliit..." gigil ni Flay


"Pathetic. Paano nakakatagal yung mga kaklase nyang maupo at kumain sa iisang table kasama sya?? Are they stupid..?."


Kumunot ang noo ko sa narinig ko.. Iniinsulto rin ba nila ang mga kaibigan ko??


"You should teach them a lesson. Wala silang karapatang insultuhin ang mabubuti mong kaibigan.." bulong ng isang tinig sa isipan ko, noong una ko syang narinig last night, akala ko konsensya ko sya, but it turns out that she's my familiar. Sya din yung narinig ko noong pumigil sakin sa pag-cast ng summoning magic spell.. Sabi nya dahil sa leak sa seal sa powers ko, ay mas malakas na ako ngayon kaya naririnig ko na ang boses nya..


Hindi ako tumugon. One thing I learned after trying to communicate with my familiar, she's a child. So most of her opinion are child-like..


"Kung ako sa mga kaibigan nya, iiwan ko na sya.. Hindi ba sila nahihiya na kasama nila ang babaeng yun??"


Nagulat ako noong biglang tumayo si Flay at padabog na hinampas ang mesa..


"Masyado bang boring ang mga buhay nyo?? Wala na ba kayong ibang pwedeng pag-usapan kung hindi yung kaibigan namin??? Para sa kaalaman nyong lahat hindi mahina si Charm! Maghintay lang kayo! Patutunayan namin yun sa inyo!" sigaw nya kaya natahimik yung mga tao


"Come on girls. Let's get out of here.." saad nya at nag-umpisa nang maglakad paalis.. Napatayo kaming tatlo at agad sumunod sa kanya.


Makulay at maingay ang paligid paglabas namin sa cafeteria. Abala ang mga estudyante sa paligid namin.. Thursday ngayon pero wala kaming klase. Ngayong week isine-celebrate ang founding anniversary ng school.. Medyo humupa na ang mga activities at marami akong na-miss na events last Monday, Tuesday at Wednesday dahil sa nagyari sakin.


"Flay that was intense. Gusto mo bang magdeklara ng war sa ibang department??" usisa ni Javen


"Kakadeklara ko lang." tugon ni Flay


"Flay saan tayo pupunta??" tanong ko noong matanawan ang isang makulay na booth sa direksyon na tinatahak namin.


"Like I said, patutunayan natin sa mga taong yun na hindi ka mahina at lalong hindi ka kahihiyan bilang isang kaibigan." Sagot nya at huminto kami sa tapat ng booth at bumungad samin ang nakangiting muka ni Arren..


"This is the signing booth for the Game of Storms tomorrow. Are you planning to participate??" tanong saamin ni Arren.


~~~~~~~~~

-

WitchcraftWhere stories live. Discover now