Tale 27

27.2K 1K 93
                                    

A/N: Hindi ka nililinlang ng iyong mga mata. Natapos ko ang pagtatype ng chapter na ito. So here it is. Pero mawawala talaga po ako ng ilang week, sana ay nandyan pa din kayo pagbalik ko. Salamat.

~~~~~~~~~~

Tale 27
The Angel of Darkness
~Circe~


“Suspended talaga sila??”


“Bibigyan kaya sila ng special exam since hindi sila makakakuha ng exams this week???”


“Bakit ba kasi sila tumakas ng school??”


“I’m not sure.. I heard something happened to Briar.”


“I heard the same thing from the professors.”


Exam week at mabilis na kumalat na parang wildfire ang balitang tumakas ng school ang grupo nina Flay.


May naririnig akong mga chismis mula sa ibang department na porket daw nanalo sa Game of Storms sina Flay ay ang lakas na ng loob nilang gumawa ng kalokohan.


I don’t agree with those rumors.


As their classmate I know that there must be a reason why they would make such a risk. Exam week at alam nila ang importansya nito. For sure there is a bigger story behind this.
Kahit maarte ako at maselan sa pakikipagkaaibigan, I can understand other people well. Alam ko kapag plastic o totoo ang isang tao..


“Please settle down.” Dinig kong saad ng isang pamilyar na tinig


Agad natigilan ang mga kaklase ko noong marinig nila ang boses na yun.


Nanlamig ako. Shocks. Bakit sya narito??


“Good morning. Prof Alice is busy so I’ll  facilitate your examination today.” Nakangiting anunsyo ng pamilyar na lalaki sa unahan. Halos maglaway naman sa pagnanasa ang mga kaklase ko dahil sa ngiti na iyon.


“Kyaaa! Si Arres Gray Lockser! Ang dating SC President!”


“Ang gwapo…”


“Ang swerte natin! Ang Prefect ng school ang magfafacilitate ng exam. Ang pogi nya!”


Tsk. Ang lalandi nila grabe.


Tsaka yuck!


Kung alam lang nila ang totoong kulay ng lalaking yan! Akala nila isang anghel si Arres Gray Lockser, pero isa talaga syang devil!!


Walang puso ang lalaking yan!


Sya ang school Prefect, his job is to help younger students like us. Mas mataas ang posiyion na iyon kaysa sa Student Council.. Every year dalawa ang naaassign  sa position na yun. This year ay sila ni Attina na isang Wizard in training ang naassigned sa position. Gray is actually overqualified for the position kaya naman nagkaroon sya ng authority na mag-sub sa mga professors kapag busy ang mga ito. Sa sobrang husay nya ay nagsu-substitute sya sa mgaa prof, can you believe that?? Sa buong kasaysayan ng Aurum M.U. ay si Gray ang pangalawang estudyante na nagkaroon ng ganoong authority.


Bigla akong napaiwas ng tingin noong mabaling sakin ang pansin nya.


Sana ay hindi nya ko makilala.


Please lang po.


“Ok let us start.” Narinig kong saad nya kaya agad akong nakahinga ng maluwag. Hindi nya ko napansin. Ilang taon na din naman ang nakalipas nang mangyari yun, marahil ay hindi nya na ako naaalala. Mabuti kung ganun dahil gusto ko na ding makalimot.


Tahimik kaming nag-exam. Pero nararamdaman ko pa din na nakatingin sya paminsanminsan. O baka ilusyonada lang ako?


***


I was fourteen years old when I first met him. He was an angel. A dark angel.


Tumakas ako mula sa maingay na kasiyahan ng aming mansion. Kaarawan ng aking nakatatandang kapatid at maraming mga panauhin mula sa kanyang paaralan.


Lihim at maingat akong nagtungo sa balkonahe sa ikatatlong palapag ng mansion.

WitchcraftOnde as histórias ganham vida. Descobre agora