Tale 41

27.9K 1K 89
                                    

Tale 41
The Transfer Students



Maaliwalas ang panahon.


Isang pangkaraniwang araw para sa lahat.


May mga estudyanteng nakaupo sa lilim ng mga puno at masayang nagtatawanan. Ang ilan ay nagbabasa ng libro. May ilan na tumutugtog ng gitara.


Ito ang karaniwang makikita sa unibersidad ng Atlantis Royal University. Isang tanyag na kolehiyo somewhere in Manila.


Sa malawak na open area na karaniwang tambayan ng mga mag-aaral ay makikita ang isang grupo ng mga kababaihan na naglalakad habang abala sa pagbabasa sa brochure at mapa ng school. Sa ikinikilos nila ay mahhahalata na mga transfer students ang mga babae.


"Sabi dito sa sched ko, magkakakalase tayo sa first subject na Calculus." Saad ng babaeng may grey eyes at long blonde hair. Muka itong isang prinsesa mula sa isang fairytale.


"Ang agang math." Komento ng babaeng nakasuot ng pure white dress. Itim ang mahaba nitong buhok na nakaka-highlight sa electric blue eyes nya.


"Room 306. Saan ang Room 306?" tanong ng babaeng may short blonde hair at green eyes.


"Can we use tracking magic? Sa tingin ko ay naliligaw tayo." Saad naman ng babaeng may silver almost white hair.


"Next subject is Business Management 101. Prof.Heaven? Ang weird naman ng name ng prof natin? Heaven Meily Gyo? Korean ba sya? International school ba itong university na ito?" tanong naman ng isang babae na may mahabang brunette na buhok. Karaniwang makikita ang kanyang muka sa naglalakihang billboard around manila.


"Teka nga lang Aliya. Bakit kasama ka namin? Diba enrolled ka sa ibang school?" tanong ng babaeng mukang prinsesa sa babaeng may brunette na buhok


"Ayaw nyo ba akong kasama?" nakangiting tanong ng babae


"Ayaw." sabay-sabay na tugon ng mga babae na ikinasimangot ng huli


"Isnt that Aliya Montregomie??"
"Bakit sya nandito??"
"Hindi nyo ba nakita yung last tweet nya? She's transferring school. Mukang dito sya lilipat!"
"Sino yung mga kasama nya??"
"Bakit sya magtatransfer dito?"
"Woah! Squad goal! Mga model ba sila?"
"Hindi ba sila yung mga model na gumagala sa BGC nung isang araw? Nakita ko lang sa FB."
"Ang ganda bes. Ano kayang skin care products gamit nila?"
"Bakit sila nandito?"
"Exchange students ba sila? But isn't it the middle of the semester?"
"Ang ganda naman nila. Tao pa ba ang mga yan?"
"Mukang mga diwata."
"Parang lumabas sila mula sa isang fairytale book."
"Masyado silang maganda. What will happen once they meet the school's #1 bully??"
"Sana wag silang mapag-initan."
"Yeah. Ang pretty pa naman nila."


Hindi naman pinapansin ng nga babae ang kanilang naririnig sa paligid.


WitchcraftWhere stories live. Discover now