Tale 47

28.9K 1.1K 548
                                    

Tale 47
~A New Generation of Monsters~


Long ago, before the birth of the first dragon, the world was in complete chaos. Tsunamis, storms, earthquakes, flood and drought destroyed lands. This was the era of the War of the Gods. This world-destroying era lasted for thousands of years. Until finally, the gods agreed to give the world to it’s strongest inhabitants. They waited for thousands of years until seas turns into deserts, mountain ranges turns into seas, seasons come and go. And one winter night, the mother of all the gods, the goddess Mitera gave birth to a child of a demon, and so the first dragon is born.”
-Dragons and Gods, a collection of tales by J. Forbes

Ang Mountain of Burden ay isang espesyal na bundok na matatagpuan lamang sa kaharian ng Ventus Kingdom. May bumabalot na malakas na gravity magic dito. Off limits ang bundok at nagbubukas lamang every Licentiam Exam. Isang magic portal ang binubuksan upang iugnay ang Mountain of Burden sa City of Theos.

“Pretty interesting. This world is really cool. Maybe I should study programming and create a game based on this world.” Komento ni Aliya

“Dream on. As if naman na hahayaan lamang ni Master Eclipse na sayangin mo ang oras mo sa pag-aaral ng programming instead of studying magic.” Basag ni August

“Tsk. It's my life, why should I allow her to control it?” sagot ni Aliya

“Narinig nyo yun girls? Ano kayang magiging reaksyon ni Master Eclipse once na makarating ito sa kanya?” saad naman ni Flay

“Uy joke lang.” sabat ni Aliya

“Natakot sya oh. Hahaha.” React ni Flay

Habang nagtatawanan ang magkakaibigan ay naghahanda naman ang lahat para sa magaganap na exam. Hindi na sila nabibigla sa pagiging easy-going ng magkakaibigan. Dahil mga halimaw ang mga ito! This exam is child's play for them.

May exactly five thousand steps ang Mountain of Burden at sa paanan ng bundok ay makikita ang isang stone tablet kung saan nakatala ang napakaraming pangalan. Lahat ng ito ay mga taong minsang umakyat sa buntok na ito. At dito nakatala ang dami ng baitang na kanilang naakyat. Sa pinakaunahan nito ay nakatala ang pangalan ng Witch of Carnage na si Cassiopeia Clifford na tanging nakarating sa ikalimang libong baitang ng bundok.

Tulad ng mga naunang parte ng exam, unang umakyat ang mga examinees na nasa bottom ng ranking para mabigyan sila ng mas mahabang panahon sa pag-akyat.

Sa palagay nyo hanggang saan ang maaakyat ni Lady Charmaine?”
“Well..? Ayoko na magsalita ng tapos. They tend to defy common sense.”
“Wala pang nakakarating sa ikalimang libong step maliban na lamang sa Witch of  Carnage.. Pero……”
“Ang hirap sagutin nyan.”
“Hanggang sa dulo!” biro ng isa
“Hanggang sa dulo haha!” sang-ayon ng mga kausap nya

“See you at the top.” Saad ni Aliya

“Yan ay kung makakaabot ka sa dulo.” Basag ni August

“Hmmp! Of course! Paunahan pa tayo!” saad ni Aliya

“Wag kami Aliya, mas mababa ang ranking mo samin, mauuna ka talagang umakyat.” Sabat ni Flay na ikinasimangot ni Aliya

“Tama na yan. Magsisimula nanaman kayong tatlo.” Awat ni Javen sa tatlo

“Why don't we have a race then? Manlilibre ang matatalo.” Suggest ni Charm

“Game!” sang-ayon ni Flay

“Pero masyado kang malakas Charm. Matatalo kami.” Saad ni Javen

“Mauna kayong umakyat. Pagnasa ikatatlong libong hakbang na kayo, saka ako magsisimula.” Saad ni Charm

WitchcraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon