Tale 71

23.2K 1K 342
                                    

A/N: Surprise! An early update, enjoy~


Tale 71
The Domineering Dragon Princess

“You took with you a part of me, a part of what could have been. To those captivating eyes, that again would never be seen.”
-WorldsApart, a novel by S. Harper

Ngayong araw magsisimula ang taunang Intercontinental Arena of Heroes.

Napakaraming Tao ang makikitang naglalakad patungo sa Arena upang manood.

Sa isang kalesa ay makikita na nakatanaw sa labas ng bintana ang Elf Supreme. Kasama nya ang isa sa mga heneral nya na kanina pa sya napapansin na bumubuntong hininga. Tanging ang tatlong heneral lamang ng Elf Supreme ang nakakaalam sa love sickness na pinagdadaanan ng kanilang pinuno. Hindi man nito aminin sa kanila pero sigurado sila na hindi pa rin nakakalimutan ng Elf Supreme ang mahiwagang dalaga ng gabing yun.

Bilang isang VIP ay nasa pinakamagandang pwesto pinaupo ng mga organiser ang Elf Supreme. Isang mahabang table ito na nasa isang elevated platform malapit sa Arena.

“Elf Supreme mabuti at nakarating ka. Mukang interesante ang mga kalahok ngayon taon.” Bati ni Scarlet Patriarch kay Blood Elf

“Interesante?” tanong ni Elf Supreme

“Hindi mo ba alam? Isang ice dragon ang nagkampyon sa Roar of the Dragons. Ilang taon na na walang sumasaling ice dragon sa Intercontinental Arena of Heroes.” Tugon ni Scarlet Patriarch

“Mm.” Tugon lamang ni Elf Supreme

“Mukang hindi ka interesado hahaha. Hindi mo siguro nabalitaan na ang Golden Child ng mga Azure Dragons ang nag second place. Tinalo sya ng isang ice dragon. Interesado akong makita ang talentadong ice dragon na yun.” Kwento pa ni Scarlet Patriarch

Ang Golden Child? Sa makabagong henerasyon, tanging ang Golden Child na lamang ng Azure Dragon Clan at si Firo ng Scarlet Phoenix Clan ang may kakayahan na gumamit ng parehong magic at aura. Napapaisip si Elf Supreme kung ano ang kakayahan ng ice dragon na yun. Teka lang, ice dragon? Isang imahe ng babaeng may mahabang puting buhok ang sumagi sa isipan ng Elf Supreme. Hindi nya alam kung bakit biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso matapos alalahanin ang dalaga. Pakiramdam nya ay pinagpapawisan ang kanyang palad sa kaba. Paano kung ang ice dragon na yun at ang mahiwagang dalaga ay iisa?

“Ah? Okay ka lang ba Elf Supreme?” tanong ni Scarlet Patriarch sa pinagpapawisang Elf Supreme.. Hindi nya maunawaan kung excited ba ito, kinakabahan o natatakot..?

“O-oo..” Elf Supreme

May iniinda ba syang karamdaman? O hindi lang sya sanay na muling mapalayo sa Tree of Life?” sa isip ng Scarlet Patriarch matapos mapansin na may pangungulila sa mata ng Elf Supreme..

“Brother Scarlet what is so interesting about that ice dragon? We all know that they are the weakest dragons.” Sabat ni Night Patriarch mula sa Obsidian Turtle Clan. Isa syang ancient tortoise na nasa anyo ng isang middle age man. Walang abiso na manonood sya ngayong taon.

“Brother Night, so you're here.” Bati ni Scarlet Patriarch dito

“This year, Genos from my Clan is participating. I think it's either him or Firo who will be crown champion this year. That Golden Child from the dragons is probably weak  considering that he was beaten by an ice dragon hahaha.” Night Patriarch

Tumawa lamang si Scarlet Patriarch. Hindi nya talaga gusto ang ugali ng mayabang na si Night Patriarch. Porket walang pure blooded dragon ay sinasamantala ito ng lalaki para laitin ang mga dragon.

WitchcraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon