Tale 32

28.1K 997 196
                                    


Tale 32

The Stranger 

~Charm~ 


Liwanag ang unang bumungad sakin matapos kong idilat ang aking mga mata.


Pagkatapos ay mga dahon ang sunod kong nakita.


Napagtanto ko na nakahiga ako sa ilalim ng isang puno.


May ilang sinag ng liwanag ang nakakalampas mula sa kumpol ng mga sanga at berdeng dahon. Itinaas ko ang aking kanang kamay upang sanggahan ang aking mga mata mula sa nakasisilaw na liwanag.


Sariwa ang hangin at napakapayapa ng paligid.


Kung paano ako nakarating dito, hindi ko din alam.


Kausap lamang namin si Eclipse kanina, then magteteleport sana ako pabalik sa bahay upang makausap si Cobalt. Instead na pinto sa kwarto ni Aliya ang gamitin, yung pinto sa secret room ni Eclipse ang ginamit ko para magteleport.


Pero dito ako dinala ng teleportation portal na nilikha ko.


Kung ano man ang mapayapang lugar na ito, hindi ko alam.


Ayoko pa sanang bumangon mula sa komportable kong posisyon subalit kailangan.


Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Kailangan kong maging maingat.


Isang malawak na lupain na puno ng mga bulaklak ang sumalubong sa aking paningin. Bughaw ang kalangitan at tila kaylambot ng mga putting ulap sa kalangitan.


Napakaganda. Napakapayapa.


Tila isang paraiso.


Naglakad ako upang alamin kung nasaang lugar ako. May natanaw akong isang waterfalls di kalayuan mula dito. May nabuong bahaghari sa paanan ng Falls dahil sa liwanag ng araw. Pakiramdam ko talaga ay nasa isa akong paraiso.


Namatay ba ako ng hindi ko namamalayan?


May naramdaman akong malamig na presensya sa paligid ko. Pagkurap ng aking mga mata, napapalibutan na ako ng mga puting tigre.


Hindi ko alam kung ilan sila. Ang kaninang makulay na paligid ay napalitan ng kulay itim at puti dahil sa napakaraming tigre sa paligid.


Hindi ako natatakot sa mga tigre. Isa ding white tiger si Snow. Pero unlike normal tigers, may kakaiba sa mga tigre sa paligid.


Nababalot sila ng malakas na mahika.


Pinagmamasdan ako ng mga tigre sa paraang tila isa akong bagong putahe na inihain sa kanilang harapan. Walang kumikilos. Naghihintay sila.


Sinalubong ko ang tingin ng mga tigre at sa hindi malinaw na dahilan, mabilis silang nagsiurong. Tila natatakot.


"What a surprise." May baritonong tinig ang biglang bumasag sa katahimikan ng lugar.


Napalingon ako sa pinagmulan ng tinig at nakita ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki.


Isang pamilyar na chescher cat smile.


Nakita ko na ito noon.


Kakaiba ang buhok ng lalaki dahil kalahati nito ay puti, habang ang kalahati naman ay itim. White yung upper part ng buhok nya, black yung remaining lower half. Malinaw ko ding nakikita ang kulay silver nyang mga mata, may slit ito na parang sa isang pusa.


Maputla ang kanyang balat. At ang tanging suot nya lang ay isang puting leather na pantalon at isang coat na gawa sa balat ng isang white tiger. Masyadong exposed ang kanyang upper body na hindi matakpan ng maayos ng kakaibang disenyo ng kanyang coat.

WitchcraftWhere stories live. Discover now