Tale 62
Eleutheria
“There is a belief among the magical folks that states that the world begun as white and shall end white. Thus, the royal families erased winter and bath this world with their light.”
-TheBirthOfTheRoyalFamilies, by J. Forbes
Sa kaharian ng Uddara, isang binibini ang makikitang naglalakbay sa mainit na disyerto sakay sa isang magic carpet. Ang babae ay si Myka Rivero. Kabilang sya sa Top 1000 mages ng Aralon. She’s currently ranked as top898 on the Tree of Origin. Ang kanyang master ay ang Witch of Havoc na originally ay kabilang sa top 15 subalit top 20 na lang ngayon matapos ang huling Licentiam Exam. Sariwa pa sa kanyang mga ala-ala ang kanyang pagkatalo. Iniwan sya sa alikabok ni Charmaine at ng mga kaibigan nito. Humahanga sya at nasusuklam ng sabay.
Sa kasalukuyan ay pabalik sya mula sa kanyang unang mission sa sinalihan nyang guild, ang Heaven's Will. Mayroon syang stable na posisyon dito. May mga humahanga sa kanyang talento at mayroon din namang hinuhusgahan sya. Sa makatuwid, kuntento sya sa kasalukuyang kalagayan ng guild.
May balitang may karamdaman ang guild master ng Heaven's Will at nais ng kanyang master na Witch of Havoc na sya ang matalaga sa posisyon sa oras na matuluyan ang kasalukuyang guild master. Plano nyang gumawa ng isang solid foundation sa guild sa pamamagitan ng pag-gawa ng mga mahihirap na misyon. Sa tantya nya ay kakailanganin nya ng ilang taon. Kung mapapasakamay nya ang posisyon ay magiging worth it ang lahat. Eh ano naman kung malakas ang grupo nina Charmaine? Maaari silang nagkaroon ng mataas na posisyon subalit karaniwan ay Hindi interesado ang top25 sa mga ganoong bagay, kaya kung magiging isang Guild Master si Myka ay tila di na nalalayo ang achievement nya sa top25. Excited na syang maging isang guild master!
Pero tulad ng hinala nyo, nadurog ang puso nya matapos mabalitaan na si Javen na ang bagong guild master. Kaawa-awang nilalang.
Samantala, wala namang kamalayan si Javen sa pagkadurog ng puso ni Myka. Abala si Javen sa pagpirma ng ilang mga dokumento.
“All done.” Saad nya matapos pirmahan ang huling papeles na hawak nya.
“Mistress Javen since tapos mo na pong bigyan ng approval ang mga mage na lalabas ng guild upang gumawa ng misyon, maaaari mo na pong simulang basahin at piliin ang mga job offers na tatanggapin natin para sa susunod na linggo.” Saad ni Hector, ang pinagkakatiwalaang mage ng dating headmaster. Sya ang humalili sa mga tungkulin ng Wizard of Aesthetics noong nabedridden ito dahil sa wrinkles. Si Hector ang syang tumutulong Kay Javen upang matutunan nito ang mga tungkulin nya bilang bagong guild master.
“Maraming salamat sir Hector dahil nandito ka.” buntong hininga ni Javen
Ngumiti si Hector. “Walang ano man mistress.”
“Ano ba ang mga karaniwang misyon na tinatanggap ng ating guild?” Javen
“Normally ay mga misyon na pagpuksa ng mga halimaw sa disyerto. Or di kaya naman ay escort missions ng mga caravan patungo sa mga oasis, maraming mga bandido na gumagala sa mga disyerto. Lately marami tayong natataggap na job offers para sa nangyaring delubyo sa munting rehiyon ng Althea pati na rin mga misyon na related sa pag-aaklas sa maliliit na bayan.” Hector
Napahinto si Javen dahil sa kanyang narinig. “A-anong sinabi mo??”
Nagtaka si Hector sa naging reaksyon ng dalaga. “May mga nangyayaring pag-aaklas lately?”
“H-hindi yun.” Javen
“Escort missions?” Hector
Umiling si Javen.. “Delubyo sa Althea? A-anong ibig mong sabihin??”
“May nangyaring sakuna sa munting rehiyon ng Althea. Ayon sa balita ay may dumaang buhawi na lumipol sa populasyon. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Council ang nangyari.” Hector
“Buhawi?? Impusible iyon sapagkat kailangan pa man ay hindi pa nakakaranas ng buhawi ang Althea.” Javen
“Hindi rin malinaw ang balita, maaaring isa itong natural phenomena o dikaya naman ay mayroong mga mago na aksidenteng nadamay ang bayan sa isang laban. Wala pang malinaw na dahilan. May problema ba Mistress?” Hector
Hindi nakatugon si Javen. Ramdam nya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Natatakot sya. Natatakot syang isipin ang maraming posibilidad. Ang mga taong tumulong sa kanya at sa kanyang kakambal, ano ang kalagayan nila ngayon? Ang mga ngiti nila sa kanyang ala-ala ay napalitan ng dugo. Hindi nya mapapatawad ang sarili nya kung may nangyaring Hindi maganda sa mga taong itinuturing nyang pamilya.
Nagulat si Hector noong biglang tumayo si Javen. Maputla ang complexion nito.
“Sir Hector ipagpaumanhin mo subalit kailangan Kong personal na magtungo sa Althea. Ayokong abalahin ka pa ng higit sa ginagawa mong pag tulong saakin ngayon subalit kailangan Kong umalis, maaari ko bang iwan ang guild sa mga kamay mo habang wala ako?” tanong ni Javen
“Walang problema Mistress. Pero ayos lang ba ang pakiramdam mo? Bakit kailangan mong umalis ng bigla an?” Hector
Hindi agad nakatugon si Javen.
Bumakas ang pag-unawa sa muka ni Hector. “Hindi kita pipiliting sumagot Mistress. Mag-ingat ka sa paglalakbay. Hihintayin namin ang pag babalik mo.”
“Maraming salamat.” Saad ni Javen
Sana ay may oras pa sya. Sana ay hindi pa huli ang lahat.
***
Si Magnolia ang isa sa pinakabatang Rank A wizards ng White Wolves na kinikilalang number one guild sa buong kaharian ng Ignis. Bawat myembro ng guild ay kilala bilang mga elite mages. Mayroon silang apatnaput' walong myembro na parte ng top 1000, habang ang guild master naman nila ay ang Sorceress of Storms na rank 64 sa Tree of Origin.
Sa edad na twenty three ay nagawa ni Magnolia na maging isang Rank A wizard gamit lamang ang sipag at tiyaga, she went through hell to climb up the ranks kaya Hindi nakapagtataka na makaramdam sya ng iritasyon sa presensya ng isang bagong muka. Isang rookie! Hindi ito dumaan sa normal recruitment ng kanilang guild. Isa syang backdoor recruit. Worse, she was given the same rank as Magnolia kahit wala pang nagagawa kahit isang misyon ang rookie! Soooo unfair!
Sa kasalukuyan ay may ginaganap na regular training program para sa bawat mago ng guild. Tinatawag itong Survival of the Mages.
Simple lamang ang kailangan gawin ng bawat myembro ng guild. Kailangan nilang makarating sa dulo ng isang mahiwagang maze. Ang maze ay kilala sa buong Ignis bilang isang sacred treasure na nagmula pa sa sinaunang panahon. May mga halimaw na nakakulong sa loob nito na syang pinakamalaking balakid sa pagsasanay. Sa halip na training ay nakagawian na ng mga myembro ng guild na ituring itong isang kumpetisyon kung kaya't excited na ang mga kalahok.
Puno ng pagtataka si August sapagkat kasali sya sa mga nagregister na kalahok. Kakabalik lamang nya galing sa una nyang misyon kung kaya impusible na sya ang nagregister para sa training programme na ito. Iniisip nya kung sino ang nagsali sa kanya dito. Impusible na ang guild master sapagkat alam nito na hindi nya kailangan ang pagsasanay na ito. Kung ganun ay sino?
Napansin ni August na tila pinagbubulungan sya ng ibang mga kalahok, hindi nya alam kung bakit. May nagawa ba syang kasalanan? Pero ano? Hindi nya ipinabulgar sa guild master ang tungkol sa kanyang pagkatao, pusible ba na alam na ng mga ito ang totoo nyang katauhan bilang isa sa top15? Pero sa halip na takot o pagkamangha, tila puno ng awa ang mga mata ng mga ito sa tuwing nahuhuli nya silang nakatingin sa kanya. Ano kaya ang problema?
“Is it really okay? Hindi ba magagalit si Headmaster kung pagkakaisahan natin ang new recruit?”
“Shhhhh! She's a Rank A Witch, she can handle her self. This will serve as her initiation.”
“Pero hindi naman natin ito ginagawa sa mga bagong recruit. So why do we have to do this?”
“Because she's annoying. Hindi mo ba narinig sina Magnolia? Sila ang nagplano nito dahil sa ugali nung new recruit.”
“Well she's always alone, but I don’t think she's bad.”
“Tinarayan nya ko!”
“Same! Sinungitan nya ko!”
“Masyado lang kayong sensitive.”
“Tsk. Mas mabuti na ito, para matuto syang lumugar. Kaybago-bago nya ang yabang nya na.”
“Haaayyss. Bahala na nga. I'm just going with the flow.”
BINABASA MO ANG
Witchcraft
AdventureHighest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang magtransfer sa isang magic school sa isang mahiwagang mundo, hindi nya magawang harapin kung sino at ano ba talaga sya. Hindi lahat ng fanta...