Tale 64

22.5K 889 140
                                    

Tale 64
Transformation


"There is a very old legend that is being passed down for millions of years now. A fated person who can use the powers of magic, psychic, divine and aura will someday be born in one of the four worlds.  If the four powers reached the ultimate stage, it will create a perfect harmony making that person the most powerful being in the universe. That person will be able to make the gods bow down and the dragons scared witless. He will look down on the world as it's ruler."
-Fantasia, a collection of legends and folktales by S. Harper


Kalmadong nilalakbay ni Flay ang kanlurang bahagi ng Sky Prison sakay sa isang griffin na kanyang tinawag through summoning magic.

Napansin nya sa tuktok ng isang burol ang isang magandang babae. Isang sulyap lamang ni Flay ay nakakasigurado na sya na isa itong elf. Maririnig ang paghikbi ng elf sa lugar. Kaawa-awa ang tinig nito. Pero Hindi ito pinansin ni Flay.

Ang Sky Prison ay hindi nilikha para gawing lugar ng mga Sky Giants. Ayon sa mga alamat ay nilikha ito ng mga diyos at diyosa noong unang panahon upang gawing bilangguan ng mga mapanganib na nilalang. Matapos maglaho ng mga diyos ay dito nanirahan ang mga sky dragons at sa paglaho nila ay ginamit naman ng sumunod na henerasyon ang lugar para ikulong dito ang mga giants. Dahil sa mahaba nitong kasaysayan ay maraming mapanganib na nilalang sa lugar. Ang iba ay madaling matagpuan, ang iba naman ay nakakubli upang masigurong hindi na makikita pa ang liwanag ng araw.

Ang elf na nakita ni Flay ay isang halimbawa ng mapanganib na nilalang na naririto sa sky prison. Bukod sa elf ay marami pang forbidden grounds sa lugar na dapat iwasan. Kahit first time ni Flay sa lugar ay marami na syang narinig at nabasang kwento at pag-aaral ukol sa lugar na ito. Although muka itong paraiso ay puno ito ng panganib.

Biglang naalala ni Flay si Aliya, kumusta kaya ito? Nakalimutan nyang sabihin sa kaibigan na mag-ingat. Nag-aalala si Flay na baka naipit na ito sa gulo. O di kaya naman ay may nakaharap na na mapanganib na ancient being! Magnet pa naman ng trouble ang babae.

“Wala naman sigurong mangyayaring masama? Malaki na sya, kaya nya na ang sarili nya. Besides, mas importanteng masira muna ang mga magic circle or else sure death ang kahahantungan naming lahat..” Saad ni Flay sa sarili nya..

Anim na magic circle ang nagawa nyang sirain sa loob ng maikling sandali. Compared kay Aliya na interesado sa potions ay mas maraming karunungan si Flay sa magic circles kaya parang naglalaro lang sya habang sinisira ang bawat magic circle na kanyang natatagpuan.

Matapos sirain ang ikapitong magic circle ay agad na syang tumalikod upang ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay subalit napahinto sya noong isang portal ang biglang lumitaw malapit sa kanya.

Isang pamilyar na muka ang iniluwa ng portal.

Pareho silang nagulat ng taong sumulpot mula sa portal.

“Flay?!”

“Eon?”

“Bakit nandito ka?” tanong nya... Matapos maramdaman ang presensya ni Cobalt ay may kutob na sya na nandito ang dalawa pa, sina Atticus at Eon.

“Long story. Ikaw, bakit ka nandito?” Eon

“Work. Pero naipit kami sa gulong ito.” Flay

“Ahm sorry, medyo kasalanan namin kung bakit maagang naactivate ang magic formation.” Eon

WitchcraftWhere stories live. Discover now