Chapter 3

12.8K 328 16
                                    

AN HOUR later, natapos ang seremonyas at picture-taking. Kanina, habang kinukunan ng litrato ang newly weds, kasama ang mga kamag-anak at kaibigan, pilit na itinago ni Georgie ang sarili sa ki­nauupuan. Ayaw niyang makita siya ni Vicente.

But she had to admit, nagwala ang puso niya nang makita ang lalaki, looking dignified and dashing in his barong-Tagalog. Inisip na lang niya na natural lang ang kanyang reaksiyon dahil ngayon lang uli niya ito nakita matapos ang sampung taon. Hindi naman naging maganda ang paghihiwalay nila noon.

Hmp, ang huling salita na binitiwan niya kay Vicente. Grrr, naman ang narinig niyang sagot nito, parang gusto siyang lapain nang buhay.

Itinaboy ni Georgie ang alaala ni Vicente at inihanda ang sarili sa pagsalubong sa bagong kasal. Isang bridesmaid ang nagsabog ng bigas sa mga ito, habang ang isa naman ay petals ng mga bulaklak ang isinasaboy. It was indeed a happy occasion.

Panay ang click ng camera at walang humpay ang naririnig niyang "congratulations" and "best wishes." She could also see now that the bride was quite striking, lovely in an understated way.

Nainggit siya bigla. Kailan kaya siya magsusuot ng wedding gown? Kailan kaya niya bibigkasin ang mga katagang, "I do?"

Si Pio ang unang nakakita sa kanya. He blinked twice, para tiyakin siguro sa sarili na siya nga ang nakikita nito.

"Georgina!" sigaw nito nang makasiguro at sandaling iniwan ang bride. Sinalubong niya ang kaibigan.

"Congratulations, Pio. I'm so happy for you." Hahalikan sana ni Georgie sa pisngi ang lalaki, pero nakita niyang napatingin ito kay Mary. "This is Mary," sabi na lang niya.

"Hello, Mary!" He made a "coochie-coochie" sound. Ngumiti naman si Mary. "Cute ng baby mo, ah," sabi nito sa kanya at inak­bayan siya para ipakilala sa bride. "Sandy, sweetheart, this is Georgie, kaibigan namin."

"Hi," tipid na bati ng bride. Mas lalong lumitaw ang ganda nito nang ngitian siya.

"Best wishes, Sandy and nice to meet you." She kissed her on the cheek.

"Thanks," sagot nito.

Napatingin uli si Georgie kay Pio dahil narinig niya itong nagsalita.

"'Tol, look who's here?" sabi nito kay Vicente.

Nakita na siya ni Vicente, pero hindi niya masabi kung natutuwa o hindi. Dumako rin ang mga mata nito kay Mary. As usual, he was poker-faced, wala siyang idea kung ano ang iniisip nito.

Vicente looked at her again, bahagyang tumango at bumaling sa bagong kasal. "Mauna na 'ko, 'tol," sabi nito at tinalikuran na sila.

Nakangisi sa kanya si Pio. "Hindi pa rin gumagaling ang allergy sa 'yo." Ngumiti na lang si Georgie. "May sasakyan ka naman siguro. Sumunod ka na lang sa amin sa reception. Sa farm."

"Pio, gusto rin sana kitang makausap. May problema ako, eh. Kailangan ko ang tulong mo."

He nodded. "Mamaya na lang sa reception. Inip na ang mga tao, gutom na." Isinabay siya ng mga ito paglabas ng simbahan.



TRUST Pio to invite that woman, sa loob-loob ni Vince habang nagmamaneho papunta sa Bud Brothers Farm kung saan gaganapin ang reception. Kung mayroon mang tao na ayaw na ayaw na niyang makita, iyon ay walang iba kundi si Georgina Yulo, the brat from Mars.

Pero dahil nakita na niya ang babae, looking as striking as ever, hindi na niya napigil ang daloy ng alaala. He sighed. He was certain he would never see her again. But he did.

Transferee si Georgina sa pinapasukan nilang university ni Pio. Una pa lang, alam na ng lahat na kakaiba ang babae. She looked expensive and exquisite, parang manikang buhay. Akala ni Vince noon, makinis na ang girlfriend ni Pio, pero nagmukha iyong galisin sa tabi ni Georgina. Her skin was flawless. Hindi na siya magugulat kung malalaman niyang gatas ang ipinaliligo nito.

She also talked as she looked—classy. Parang hindi ito marunong mag-Tagalog. To say na laglag ang tuka nilang kalalakihan sa campus was an understatement. Nagkaroon ng frat war dahil kay Georgina Yulo. Reincarnation yata ni Helen of Troy ang babae. Lumalabas na lahat ng lalaki sa university ay may gusto rito—nangunguna na siya.

Biglang sinipag pumasok si Vince dahil dito. Si Pio man ay nagpahayag din ng crush kay Georgina. Pero dahil may girlfriend noon ang kaibigan niya, siya ang inudyukan nitong lumigaw kay Georgina.

Ibayong lakas ng loob ang tinipon niya dahil hindi madali para sa kanya ang manligaw. Si Pio ang gumawa ng paraan para makausap niya ang babae.

Nakadama naman si Vince ng pag-asa dahil friendly and nice sa kanya si Georgina. Inudyukan din siya ni Pio na yayaing kumain sa labas ang babae. After too much planning and procrastinating due to nervousness and shyness, nagawa niya itong imbitahan. Laking tuwa niya nang pumayag ito.

At hindi niya akalaing pagkatapos nilang mag-lunch, girlfriend na niya si Miss Yulo.

"Are you going to court me, Enteng?" tanong noon sa kanya ni Georgina habang hinihiwa ang beef steak.

Hindi nakaimik si Vince. Pinagpawisan siya nang malapot.

"'Wag na," sabi ni Georgina. Sumubo ito ng steak, pagkatapos ay tininidor ang kanin, isinubo rin.

Laglag ang panga niya. Akala niya ay basted na siya. "B-bakit naman?" he managed to ask. He thought he was going to have a heart attack.

Lumunok si Georgina. "Kasi, ayoko ng ligaw-ligaw na ganyan. It's so corny. Sasagutin na lang kita ngayon. Kaya, officially you're my boyfriend now. Congratulations!" deklara nito.

He thought he died that moment.

Pero pagkatapos niyon, siya na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Proud na proud siya sa sarili dahil alam niyang inggit na inggit sa kanya ang lahat ng kalalakihan sa campus. Iyon nga lang, mayroong ayaw sumuko, nililigawan pa rin si Georgina. Hindi iilang beses na kinursunada siya sa loob at labas ng campus dahil sa kanyang girlfriend.

But those things made her all the more desirable to him. Hindi kayang itanggi ni Vince, noon man o ngayon na talagang minahal niya nang sobra-sobra si Georgina. Walang sandali na hindi ito laman ng isipan niya.

He loved the feel of her soft curls against his fingers. He loved her smile. He loved the rosy color of her cheeks. He loved the feeling of holding and kissing her hands. And if he would be given a chance, he'd also like to kiss her dainty feet.

And when he kissed her the first time, his world went upside down. Pakiramdam ni Vince, pag-aari niya ang buong mundo. At kagaya ng ibang lalaki, hindi siya kontento na mahalikan lang si Georgina. He wanted to make love to her—so badly, there wasn't a time then that he wasn't aching for her...

Pinukaw ng tili ng pamangkin niya ang kanyang reverie.

"Tito, wee-wee!" anang bata.

"Itabi mo muna, Vince," sabi naman ng mama niya.

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Where stories live. Discover now