Chapter 15

11.4K 283 21
                                    

NAALIMPUNGATAN si Vince at nagulat pa dahil napagtanto na nakatu­log pala siya matapos sumuko at tanggaping hindi na siya makaka­tulog hanggang umaga. He had been turning and tossing on his bed. Hindi niya maitabuy-taboy sa isip iyong babae sa kabilang kuwarto, and he wasn't referring to Melba.

He didn't know what to do with Georgina. Most of the time, he didn't know how to deal with her. Kapag nagbibiro siya at tinutukso ito ay napipikon. Kapag seryoso naman siya, siya naman ang inaasar.

Dapat ba niyang paniwalaan iyong mga sinabi sa kanya ni Pio kahapon sa telepono? Na gusto raw ni Georgina na lumipat sa bahay niya dahil gusto nitong mapalapit sa kanya? Paano niya paniniwalaan iyon, samantalang ganoon na lang ang tanggi ng babae kahapon. Sinumbatan pa siya nito and he had never felt so guilty.

If truth be told, he was afraid of Georgina Yulo. She was capable of stirring some emotions in him that he didn't want to deal with—emotions that had something to do with the past.

Had he been ten years younger, walang takot at buong puso niyang yayakapin ang mga emosyong iyon. But he was ten years older and he would like to think that he was wiser, more careful, less impulsive. It wasn't easy to indulge himself in teenage fantasies.

Napukaw ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang malakas na malakas na tili na nagmumula sa kabilang kuwarto. Agad siyang bumalikwas.

"Georgie!" Patakbo siyang lumabas ng kuwarto, tanging cotton shorts lang ang suot. Nakabukas naman ang pinto ng guest room. Inabutan niyang nagtititili pa rin at mukhang hysterical na si Georgina, nakatakip sa dalawang tainga ang mga kamay, nakaharap sa nakabukas na cabinet.

"Bakit?" Nilapitan niya ang babae. Nakatapis lang ito ng tuwalya, tumutulo pa ang basang buhok. Tumitili na rin si Mary na nasa kama.

"My clothes!" Georgina shrieked.

"What?"

"My clothes! They're all gone! Ano'ng isusuot ko?"

Sumilip si Vince sa cabinet. Mga bedsheet at tuwalya lang ang laman niyon. "Will you calm down?" hiling niya. "Natatakot si Mary sa sigaw mo. Ano ba'ng nangyari?" Reluctantly, he placed a hand on her bare shoulder which seemed to glisten. She was still as flawless as ever. A long time ago, he had been given the privilege of kissing her glorious skin. He sighed and tried to concentrate on the matter at hand.

Hihingal-hingal si Georgina and doing so didn't help Vince with his predicament. Her panting sounded like the panting she did after he had made love to her ten years ago.

Tumingin ito sa kanya. "Si Melba. Ninakaw niya ang mga damit ko."

"A-are you sure? Nasaan siya?"

"She's gone!" tili na naman nito. "She's gone. She took all my clothes. What am I going to wear?"

"Paano ba nangyaring natakasan ka ni Melba?" Gusto pa rin niyang makasiguro na hindi ito nagkakamali ng akala. Ang alam niya ay mabait na bata si Melba, kaya nga iyon ang ibinigay ni Pio kay Georgina. Pero sino naman ang kukuha ng mga damit nito? Napasok ba sila ng magnanakaw?

Iginiya niya si Georgina na maupo sa kama.

"Paggising ko, wala na siya. Inisip ko naman na namalengke lang dahil binilinan ko siya bago kami matulog. I decided to take a bath habang tulog pa si Mary. Nagmamadali nga ako kasi baka magising siya at umiyak. Kinuha ko na lang yung towel na nakasampay sa upuan tapos pumunta na ako sa banyo.

"Pagbalik ko para magbihis, wala na pala akong damit. Lahat ng gamit ko, tinangay niya, pati suitcase ko. Pero iniwan niya 'yong kay Mary."

"Bakit nagawa 'yon ni Melba?" he asked. "Baka naman napaga­litan mo at nagtampo."

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Where stories live. Discover now