Chapter 8

11.8K 347 39
                                    

INIHANDA ni Georgina ang sarili sa muling pagkikita nila ng mga lalaking katsokaran niya noon sa campus. Kahit naman magkaaway na sila ni Vicente noon, naging close pa rin siya sa mga brod nito dahil na rin kay Pio.

"Georgie!" sigaw ni Carlo, ang mestisong bansot na nagpapatawa sa kanya noong mga panahong duguan ang durog niyang puso.

"Hi, guys," bati niya. Kasunod ni Carlo sina Pete at Ed.

"Wala ka pa ring kupas, Georgie," komento ni Pete at humalik sa pisngi niya.

"Ako rin," wika ni Ed. Hinagkan din siya nito. "Oo nga. Wala ka pa ring kupas. Amoy-hamog ka pa rin sa talulot ng rosas."

She giggled. Inakbayan siya ni Pete at iginiya sa sofa. Agad naman siyang tinabihan nina Carlo at Ed. Inabutan agad ni Pio ang mga ito ng beer.

"Sino 'yon?" tanong ni Carlo. Narinig nilang pumalahaw si Mary buhat sa silid. "Ang bilis n'yo namang makabuo, 'tol!" wika nito kay Pio.

Tumawa si Sandy. "Si Mary 'yon. Ako na lang ang kukuha, Georgie." Hindi nagtagal ay karga na nito si Mary. "Nainggit yata, ang sasaya n'yo raw, eh. Hindi siya kasali."

"Is she yours, Georgie?" tanong ni Pete na tumindig para silipin ang sanggol.

"Yes. She's Mary," wika niya.

"Pakarga nga," hiling nito. Ipinasa rito ni Sandy ang sanggol. Ipinaghele agad ito ng lalaki. "Ilang months na ito?"

"Wala pang four months kaya ingatan mo. Baka mabalian ang baby ko," sabi niya.

"Sino ang napangasawa mo?" tanong naman ni Carlo, parang hinayang na hinayang.

"Wala naman akong asawa. Dalaga pa rin ako," sabi ni Georgie.

"Aba, malanding babae!" bulalas ng mestisong bansot.

She giggled. "Hindi ko tunay na anak si Mary. Anak siya ng best friend ko na—namatay." Isinalaysay niya sa lahat ang kasay­sayan ni Maying.

Napamulagat si Pio sa kanya. "Bakit sa iyo dumedede?" he asked.

"Nabasa ko kasi dati na pupuwede naman daw magpadede ang dalaga. Basta raw na-stimulate ang mammary glands, may lalabas na gatas."

"May tribe daw sa Africa na habang nagtatrabaho ang mga ina, iba ang nagpapadede. Ang iba nga raw ay dalaga. Sinubukan ko. May lumabas ngang gatas. Naaliw ako, kasi lumaki," pahayag niya na may kasamang tawa.

"Para kang gaga, naniwala naman," ang reaction ni Vicente na sa mga dumating ay bukod-tanging hindi humalik sa kanya. Bahagya lang siyang tinanguan bilang pag-acknowledge ng presence niya.

"Ano naman ang ikinagaga ko roon? Masama bang gustuhin kong lumakas ang resistensiya ni Mary? At saka mas maganda na sa akin siya dumedede kasi, nagkakaroon kami ng bonding na kailangan dahil ako na ang makikilala niyang mommy." Inismiran niya ang lalaki.

"Tama na 'yan!" saway ni Pete. "Bagong milenyo na. Dapat magkaroon na ng reconciliation."

"It's time to heal!" segunda naman ni Carlo. "Gamutin na ang mga sugat na likha ng kahapon. Baka maging gangrene pa, nalinti­kan na!"

"Siya naman ang nanguna!" tukoy niya kay Vicente.

Pinandilatan naman agad siya nito. "Inaway ba kita? Ikaw lang ang nag-react kaagad diyan. Ang sa akin lang naman, kailan­gan pa bang ipangalandakan mo sa amin na lumaki 'yang—"

"Uuuy, concerned," tudyo ni Carlo. Tumingin ito sa kanya. "Oo, nga naman, Miss Gorgeous. Pinangangalagaan lang ni Enteng ang reputasyon mo."

"Hindi naman kayo iba sa akin, eh. Nananadya lang ang Enteng na 'yan. Wala naman 'yang nakikitang maganda sa mga ginagawa ko." Inirapan niya uli ito.

Uminom ng beer si Vicente. "Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Ang lakas ng loob mong mag-ampon, may ituturo ka bang matino sa batang 'yan?" Sa tono nito'y para ngang walang kabilib-bilib sa kanya.

Bigla namang kumanta si Ed, ang lalaking kung bansagan nila noon ay ST King. Mukhang sexy star kasi.

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Ito'y kasabihang, aking nabatid," kanta nito.

Kitang-kita ni Georgie na umasim ang mukha ni Vicente.

Parang naging cue naman iyon. Kumanta rin si Carlo. "Maybe this time, it'll be love and they'll find—"

Hindi nagpatalo si Pete. "Sana maulit muli ang ating nakar­aan. Ilang buwan ba 'yon? Five?"

"Excuse me!" sabi niya sa mataas na boses. "Wala akong balak makipagbalikan sa lalaking hindi marunong humalik!"

Tawanan.

"Nakakita ka na ba ng Batangueño na galit, Georgina?" seryo­song tanong ni Vicente. Ni katiting na humor ay walang mababakas sa anyo nito.

Lumabi siya. "Oo, ikaw."

"O, ha?" chorus ng mga Bud Brothers, parang inuudyukan naman sila ngayon na lalong mag-away.

"Halikan mo nga, 'tol. Ipakita mong marunong ka na ngayon," hirit pa ni Carlo.

"'Tado," sabi ni Vicente.

Inakbayan naman ni Pio ang best friend nito. "Kayo ha? Inaapi n'yo ang brod ko. Galit na 'to—"

Biglang tumili si Mary kaya nagtawanan lalo ang grupo. Pio addressed her. "Kung hindi ka makikipagbalikan kay Vince, bakit ka nandito?" tanong nito.

Pinalampas na niya ang parunggit nito. "Pinalayas ako ni Daddy. Ayaw niyang maniwala na hindi ako totoong dalagang ina. Wala akong matuluyan. Kailangan ko rin ng yaya para kay Mary dahil kailangan kong makahanap ng trabaho."

"Ano ba'ng ginawa mo sa Singapore? Bakit napadpad ka roon? Malayo 'yon, ah!" wika naman ni Carlo, mukhang seryosung-seryoso na nalalayuan nga sa Singapore.

Natatawang sumagot si Georgie. "Una, tourist; bandang huli, ille­gal alien."

"Talaga namang alien ka," hirit naman ni Vicente.

"Isa pa, tatamaan ka na sa akin!" banta ni Georgie. Bumaling siya kina Carlo. "I need to find a job. Kahit pansamantala lang para hindi naman ako maging pabigat dito. Babalik din naman ako sa amin. Palilipasin ko lang ang galit ni Dad. Pasasaan ba't maniniwala rin 'yon na hindi ako dalagang ina."

Kakaiba ang ngisi ni Pio. "Tanungin mo si Vince. Baka may bakante sa opisina niya. Ang alam ko, nag-maternity leave ang cashier niya." Pahapyaw itong sumulyap kay Vicente.

"May kahera na ako," sagot agad nito.

"Nag-a-apply ba ako sa iyo? Maghahalo na lang ako ng semento kaysa maging amo kita."

"Good. Nagkakaintindihan naman pala tayo," wika nito.

Tumingin uli siya kay Pio. "Tulungan mo naman akong makaha­nap ng trabaho rito, o."

Bumaling naman ito kay Vicente. "Tanggapin mo na, 'tol. Kawawa naman."

Lumagok ito ng beer. "Depende."

"Maghubad ka raw, Georgie," wika ni Carlo.

"Kung hindi n'yo ako matutulungan, maghahanap akong mag-is—"

"Vince, 'tol," sabi ni Pete. "Tanggapin mo na si Georgie, masamang magtampo 'yan. Bumabagyo."

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Where stories live. Discover now