Chapter 22

18.1K 512 60
                                    

"WHO TURNED the main switch off?" tanong ni Georgina sa mga Bud Brothers na nagkaipon-ipon sa bahay kubo para sa monthly meeting.

Naroroon sina Pete, Carlo, Ed, Monty, Wayne at dalawang ngayon lang niya nakita, sina Dick at Rei. Naroroon din si Pio.

At si Vicente, nakaakbay sa kanya.

Si Pio ang nagtaas ng kamay. "Labas-masok ako sa bahay ni Vince at ka-vibes ko naman si Douglas. Alam na alam ko kung paano sungkitin ang mga lock doon. Pinatay ko ang switch para magkapaan kayo sa dilim. Hindi kayo magkaigi sa maliwanag, di padilimin." He grinned.

Tumingin siya kay Vicente. Tumango ito para kumpirmahin ang sinabi ni Pio na kayang-kaya nitong maglabas-masok sa bahay nito.

"Hindi ko lang agad naisip dahil in the first place, bakit naman niya gagawin 'yon?"

"Palitan natin ang mga locks," wika niya at hinarap muli ang Bud Brothers "Sino naman ang kumausap kay Melba para hakutin lahat ang gamit ko?"

Sina Pio, Pete, Carlo, at Ed ang nagtaas ng kamay. Si Pete ang nagsalita. "Naisip namin na kung wala kang damit na gagala-gala sa bahay ni Vince, baka sakaling mabuhay ang pagnanasa ng brod namin.

"Bakit hindi kami kasali riyan?" tanong ng Dick ang panga­lan.

"Busy kayo, eh," sagot ni Carlo, then he looked at her. "Si Ed nga pala 'yung kapre." Kasunod niyon ang halakhakan ng grupo.

"Akala namin matatakot ka, eh. At kapag natakot ka, siyem­pre, yayakap ka kay Vince sa dilim. 'Tapos wala ka pang damit—"

"Kaso, hindi natakot. Hinabol kayo," sabad ni Vicente.

"Nabalian pa nga ako. Ang taas n'ong kawayan," wika naman ni Ed.

"Boses mo rin ba 'yung narinig ko?" tanong pa niya.

"Hindi. Si Jamie Rivera 'yon. Pinabagal namin 'yung kanta niya. Theme song n'yo 'yon, 'di ba?"

Nagkatawanan sila ni Vicente. "Kaya pala pamilyar," sabi niya.

Ipinagpatuloy niya ang interogasyon. Inamin din ng mga iyon na kinasabwat ng mga ito si Agnes para pagselosin siya. Simple lang ang utos ng mga ito sa babae, kung sakaling tatawag siya at hahanapin si Vicente, sabihin niya na ka-date si Jennifer.

"Siyempre, kapag na-threaten ka na maagaw ng iba si Vince, siguradong gagawa ka ng paraan," katwiran ni Pete. "Pero kailangan din na magselos si Vince kaya tinakot namin na nililigawan ka ni Lance."

Tumangu-tango si Georgie. Nalaman din niya na kasabwat din ng mga ito si Jennifer. Payag naman kaagad ang babae dahil gustong magpa-good shot sa Bud Brothers. Perfect ito sa role dahil likas na maarte.

Hindi rin pala totoong tinawagan ni Vicente si Pio para sabihing palipatin siya sa bahay nito. At siyempre pa, ganoon din pala ang sinabi nito kay Vicente, binaligtad nga lang, na siya ang may kagustuhang lumipat sa bahay nito. Naisip daw ng mga ito, kapag magkasama na sila sa iisang bubong, both thinking that they were still attracted to each other, magkakaigi na sila. Hindi pa pala dahil pareho raw silang pakipot. Kinailangan pa rin ng mga ito na mag-isip ng ibang paraan para pagbuhulin sila ni Vicente.

"Effective naman, 'di ba?" pagmamalaki ni Pio.

Yumakap siya kay Vicente. Agad naman siya nitong hinagkan sa mga labi. "I love you," he murmured.

The Bud Brothers went Oooh!    


***WAKAS***

🎉 Tapos mo nang basahin ang Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed) 🎉
Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon