Chapter 9

13.3K 335 31
                                    

DAIG pa ni Georgie ang kinupkop ng sariling kapatid. Bago umalis ang mag-asawa para sa honeymoon ay ikinuha siya ng mga ito ng maid cum yaya ni Mary. Libre din siyang gumamit ng pickup ni Pio na dala-dala niya ngayon sa farm. Ang kotseng inarkila niya ay ipinasauli niya kay Ed nang lumuwas ito. Pabor naman iyon sa lalaki dahil wala itong dalang sasakyan, nasa talyer daw, nire-repair.

Her immediate problems were solved, maliban sa isa. Kailan­gan pa rin niya ng trabaho para hindi naman maubos ang natitira niyang pera. Hindi niya alam kung hanggang kailan magiging sarado ang isip ng kanyang daddy. Isa pa, nahihiya naman siyang umasa na lang nang umasa sa Bud Brothers.

Ipinasok niya sa entrance ng farm ang pickup. Nasa gilid lang iyon ng kalsada. Buhat doon ay mga isandaang metro lang bago ang kubong maliit. Ang parking area ay iyong bahaging pinagdausan ng reception ng kasal ni Pio. Naroroon pa rin ang makeshift enclosure, pero wala na iyong laman maliban sa Wrangler jeep ni Pete. Pumarada siya sa tabi ng jeep.

Bumaba siya at binuksan ang kabilang pinto ng pickup. "Akina si Mary," sabi niya kay Melba, ang yaya ni Mary. Malayo itong kamag-anak ni Pio, disinuwebe anyos.

Ipinasa nito sa kanya ang sanggol. Dalawang araw pa lang sila roon sa Lian ay mukhang hiyang na hiyang na si Mary. Lalong naging rosy-cheeked, lagi ring nakangiti. Nawala na ang sipon nito kaya hindi na restless.

"Dalhin mo 'yang bag niya at saka 'yong carrier," utos pa niya. They headed towards the hut.

"Hello, Mary!" kaway ni Pete na nakadungaw sa balkonahe ng kubo. Ito ang walang ibang trabaho o negosyo kaya ito ang manager ng farm. Iyong bahay-kubo ang nagsisilbi nitong opisina.

"We have a surprise for you," wika naman ni Carlo. "I'll get it." Pumasok ito sa pinakasilid ng kubo.

Inagaw naman agad ni Pete sa kanya si Mary. "Akina ang fiancée ko," wika nito. Noong isang araw pa nito in-announce na hindi na raw muna mag-aasawa, hihintayin na lang na magdalaga si Mary. Cute daw kasi ang mga mata ng sanggol.

Hinagkan nito sa bandang leeg si Mary. "Mmm, bangu-bango—"

"Hoy, Pedro, wala munang necking-necking at petting-petting, ha? Bata pa si Mary."

"Yes, Mommy," sabi nito.

"Dyarannn!" sigaw naman ni Carlo paglabas. May dala itong bagung-bagong baby stroller.

"Wow, where did you get that?" She was touched and sur­prised.

"Nanawagan kami sa radyo," sagot ni Carlo at inayos ang stroller. Nilatagan nito iyon ng comforter at nilagyan ng mga unan.

"Thanks, guys," sabi ni Georgie sa dalawa.

"Welcome," wika ni Pete. In-snub ang stroller, mas gustong kargahin si Mary.

Hinila ni Georgie ang isang nakakalat na stool at naupo roon. "Guys, iiwan ko muna sa inyo sandali si Mary. Bantayan n'yong mabuti. Pamamalengkihin ko si Melba. Idadaan ko siya doon. Pupun­ta naman ako sa restaurant na nakita ko kahapon. Kailangan daw ng waitress. Mag-a-apply ako."

"What?" bulalas ni Pete. "Magwe-waitress ka? Nababaliw ka ba?"

"I need a job. Pansamantala lang naman."

"'Di ba, kay Vince ka nga pinapupunta ni Pio?" tanong ni Carlo. "Hindi bagay sa 'yo ang maging waitress, naman!" Parang gusto siya nitong tirisin, nagbago lang siguro ang isip dahil mas malaki siya rito.

"Hindi naman ako kilala dito. At saka, waitress din naman ako sa Singapore."

"Kahit na." Tutol pa rin si Pete, kitang-kita niya sa mukha nito. "Magkano lang ba ang susuwelduhin mo doon? Ipaubaya mo na lang ang trabaho roon sa mga tunay na nangangailangan."

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Where stories live. Discover now