Chapter 11

10.6K 296 3
                                    

ALAS-SINGKO ng hapon ay nagulat si Georgie sa biglang pagsulpot ni Vicente. Striped naman ang polo nito at itim ang slacks.

Mabango ito. That fact made her suppress a smile. Siya ba ang pinagpapabanguhan nito?

"Pasok ka. Bakit ka naligaw?" tanong niya. "Melba, get ka ng juice at saka maglabas ka n'ong ginawa nating brownies." Tumingin siya kay Vicente. "Ginamit ko 'yong regalong oven kay Sandy. Sabi nila gamitin ko na raw kung gusto ko."

"Marunong kang mag-bake?" Parang hindi ito naniniwala.

"Yup. Hobby ko 'yon at saka sideline ko rin 'yon sa Singa­pore."

He nodded. "Hinahanap mo raw ako kaninang umaga."

"Ah, oo. Pero hindi ka na dapat nagpunta rito. Hindi naman gaanong importante ang sasabihin ko," wika niya para lang masiguro ang kutob niya na gusto lang siyang makita ni Vicente.

"Mas maganda kung makakausap kita nang personal. Nakausap ko si Jennifer, you've met her. Medyo hindi yata maganda ang—"

Gumuho ang kilig niya. Bakit parang mas importante si Jennifer kaysa sa kanya? Kung hindi ba naman, bakit kailangan pa siyang puntahan para pag-usapan ang babaeng iyon?

"Sinabi ko lang sa kanya ang sinabi mo sa akin noong ako ang nag-a-apply sa iyo ng trabaho. Ikaw ang may sabi na hindi uso rito ang palakasan. Hindi niya nagustuhan iyon."

"But you were harsh on her. Sana, sinabi mo nang maganda para hindi nagdamdam yung tao," sermon nito sa kanya.

Ganoon na lang ang ngitngit ni Georgie. "Ano ba'ng sinabi niya sa iyo? Kung magsalita ka naman, eh, parang sinabunutan ko at kinaladkad ang babaeng 'yon. Ayan, tanungin mo si Melba kung may sinabi akong masama. Si Jennifer ang nanggulo rito. She bad-mouthed me!"

"Totoo 'yon, Kuya," segunda ni Melba.

Hindi nakaimik si Vicente.

Sinamantala niya iyon. "Ewan ko kung ano ang ipinangako mo sa kanya. Pero kahit kamukha pa siya ni Sandy, hindi mo siya dapat tanggapin!"

"Wha—ano'ng kinalaman dito ni Sandy?" Mukhang naguluhan si Vicente.

"Kunwari ka pa!" singhal niya. "Mabait ka sa Jennifer na 'yon dahil kamukha siya ni Sandy. Hindi nga naman umubra kay Sandy, baka sakaling kay Jennifer ka lumigaya. How pathetic!" Iniwan niya ang lalaki sa sala. Nagkulong siya sa kuwarto.

Pagtingin niya kay Mary ay dilat na dilat ang singkit nitong mga mata, parang sa kanya nakatingin kahit alam naman niya na sa edad nito, hindi pa ito nakakakita nang husto.

"Nakakainis!" reklamo niya sa sanggol. "Malapit na malapit ko nang mapatay ang Vicente na 'yan! Nagpunta pala rito para lang ipagtanggol si Jennifer! Ang kapal ng mukha!"

Tumaas ang isang kamay ni Mary.

"Ay, naku, anak. I can't relax, napepeste ako sa lalaking 'yon!"

Nakarinig siya ng ugong ng sasakyan sa labas. Nakiramdam siya at mayamaya ay sumilip sa pinto.

"Umalis na ang pangit?" tanong niya kay Melba.

"Opo."

"Mabuti naman. Pakiabot ng cordless."

Tumalima naman agad si Melba. Tinawagan niya si Pete sa cell phone nito. Inimbita niya ito na sa apartment na lang mag-dinner dahil naiinis siya. Gusto niya ng makakabiruan. Pumayag naman ang lalaki. May narinig siyang nagsalita sa background.

"Is that Carlo?" tanong niya.

"Oo, nanggugulo na naman dito."

"Bakit dito na yata 'yan tumitira? May pinagtataguan sigur­ong babae sa Manila," sabi niya.

Tumawa si Pete. "Punta na lang kami riyan."

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Where stories live. Discover now