Chapter 16

11.7K 331 19
                                    

NAPATDA si Vince sa paglalakad nang mapadaan sa tabi ng desk ni Agnes.

"May I see that?" tanong niya sa empleyada.

"Ang picture ko, Sir?" tanong din nito. Nasa ilalim ng salamin sa mesa ang graduation picture nito.

"N-no. I mean—this." Dinampot niya ang brochure ng mga underwear.

"O-order kayo, Sir?" manghang tanong ni Agnes.

"F-for my mother," he lied. "Puwede bang dalhin ko muna sa office at saka—'pag um-order ba ako ngayon, puwede na agad makuha?"

"Kung available, Sir, puwede. Titingnan ko. Pumili na muna kayo."

Dinala niya sa tanggapan ang brochure ng Avon at pinasadahan iyon. Ano ba ang size ni Georgina? He decided to call her. Size 34B raw ito at kung puwede raw na iyong pang-nursing mother na bra ang bilhin para dito.

Fifteen minutes later, ibinigay niya kay Agnes ang orders niya. Namangha siya dahil mahal pala ang mga bra.

Pero mas kababakasan ng pagkamangha ang reaction ni Agnes. "Nagpapadede ang mama n'yo, Sir?"

"H-hindi. Naiinitan lang siya, ayaw niya 'yong may takip."

Makahulugang_tingin ang ipinukol sa kanya ni Agnes, pagkata­pos ay lumabas na. In less than an hour, dala na nito ang mga order niya. Isa lang daw ang hindi available, iyong pinili niya na maraming lace at kulay itim.

Sayang, sa loob-loob niya. Bagay na bagay pa naman pihado iyon kay Georgina.

Hindi na rin siya nagtagal sa opisina. Dinala niya sa bahay ang mga in-order.

Ikinasiya naman niya na nagustuhan ni Georgina ang mga napili niyang style.

"Listen, lunchtime na. Kung gusto mo, sa labas na lang tayo kumain."

"Sure. Hindi nga ako nakapagluto. hindi ko maiwan si Mary. Kaya lang, pahiram muna ng jeans, kung meron kang pinagliitan. Mukha naman akong gaga kung naka-sweatpants ako at slides."


GEORGINA was feeling great kahit pa walang makapagsabi kung nasaan si Melba. Sabi ni Pio, hindi pa raw umuuwi ang babae. Pero nangako naman sa kanya ang lalaki na ito na ang bahalang maghanap sa maid niya. Nagpasya na siyang huwag ipa-blotter ang babae dahil humupa na ang galit niya rito.

Gusto pa nga niyang magpasalamat sa ginawa nito, dahil naging daan pa iyon para maging maganda ang samahan nila ni Vicente. Iyon ang dahilan kung bakit masaya siya ngayon.

Kahapon ay nag-lunch sila sa Club Balisong, isang lumang mansiyon na ginawang restaurant ang reception center. Exclusive iyon para sa mga miyembro na pawang mga prominenteng negosyante ng unang distrito ng Batangas province.

Nang oras naman ng hapunan, ipinagluto niya ng pochero si Vicente. Ganoon na lang ang papuri nito sa kanya. Alam naman niyang hindi siya binobola nito dahil ginanahan naman ito sa pagkain. Habang nagliligpit naman siya ng mga pinagkainan, ito naman ang nag-aalaga kay Mary. She had never thought she would enjoy this domesticity.

She was enjoying it so much na ang una niyang naisip pagkagising ay kung ano ang lulutuin niya para sa lunch. Hindi siya nakapagdesisyon agad because she wanted to prepare the best meal.

Nagpasya na lang siyang tanungin si Vicente. Mas masasabik pa itong umuwi kung malalaman na may masarap na pagkaing naghi­hintay.

Busy ang linya sa opisina nito, kaya sa cell phone na lang niya ito tinawagan.

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon