Chapter 6

11.9K 327 20
                                    

"FINE!" naiinis na maktol ni Georgie dahil sa ginawa ni Vicente na pag-iwan na lang basta sa kanya kahit na may sinasabi pa siya. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya sa lalaking minsan ay nagdulot sa kanya ng ibayong takot, bukod sa sama ng loob?

Ganoon na lang ang takot niya noon na baka buntis siya dahil na-delay ang period niya nang isang buwan. Abut-abot ang dasal niya at nangako sa Mahal na Birhen na hinding-hindi na uli siya sasama sa motel sa kahit sinong lalaki.

Dininig naman ang kanyang panalangin. Dumating ang monthly period na inaasam-asam niya. Pero dahil sa naranasan kay Vicente, kahit hindi na niya mabilang-bilang ang mga naging boyfriend niya, wala na siyang pinagkalooban ng sarili.

May takot na lagi sa likod ng isip ni Georgie na baka masaktan lang uli siya kapag nagpaubaya uli siya.

"Sshh, baby, quiet. Don't cry, sweetie," alo niya sa sanggol na nag-uumpisa nang maglikot. Napatingin siya sa katabi na nakamasid sa sanggol. "Nagugutom na ho siguro," wika niya.

Tumayo si Georgie at naghanap ng comfort room. Wala siyang makita kaya lumapit na lang siya sa kinaroroonang mesa nina Pio at Sandy.

"Tapos ka na bang kumain, Georgie?" tanong ni Pio. "Nabusog ka ba?"

"Uh-huh. Masarap naman ang handa n'yo. Kaya lang, si Mary, gutom na. I've to breastfeed her, kaso, wala akong makitang restroom."

"Naku, pasensiya ka na, ha?" Nag-excuse ito sa asawa at sinamahan siya palabas ng makeshift enclosure kung saan ginaganap ang reception ng kasal. Mga dahon ng niyog ang ginawang dingding at bubong, bawat haligi ay dinesenyuhan ng birds of paradise at iba pang klase ng bulaklak.

Pilipinong-Pilipino ang dating ng okasyon. Sandali pang kinausap ni Pio ang tatlong lalaking nasa isang mahabang mesa na nagtatadtad ng limang lechon na nakahilera doon. Panay pa rin ang dating ng mga bisita.

"Talagang ginastusan mo ang wedding mo, ha," komento ni Georgie.

"Siyempre naman. Minsan lang naman ito sa buhay, at saka sulit naman. Nakita mo naman ang misis ko—"

Tumango si Georgie. "She's really beautiful, Pio. Keep her."

He nodded and she knew he intended to do just that. Nainggit na naman siya kay Sandy. Bumuntong-hininga na lang siya.

Sa isang maliit na kubo siya dinala ni Pio, medyo tago mula sa pinagdarausan ng reception. "Wala nang makakakita sa 'yo, pasensiya ka na, ha? Ginagawa pa kasi ang opisina namin."

Sa bandang kaliwa ay nakita ni Georgie ang isang hindi pa tapos na isang palapag na gusali. Sa dakong kanan naman ay ang taniman ng niyog, at sa mga pagitan niyon ay ang makukulay na birds of paradise. Sa ibang bahagi naman ay nakatanim ang iba't ibang uri ng mga bulaklak.

"Malaki naman pala itong farm n'yo," komento niya.

"Medyo. Nag-expand na kami ni Vince. Natatandaan mo ba sina Monty? 'Yong brods namin—"

Sunud-sunod ang tango ni Georgie. "Of course I do! Hindi ko maka­kalimutan ang makukulit na 'yon, 'no?"

"Sumosyo sila sa amin ni Vince. Na-acquire namin 'yong niyugan na nasa bandang kanan."

"Really?" bulalas niya. "Nasaan sila? Bakit hindi sila um-attend sa kasal mo?"

"Weekday kasi tumapat ang kasal namin. Masuwerte raw ang number eight, eh," wika nito. "Hindi sila maka-absent sa trabaho, pero hahabol daw sila. Mamaya, makikita mo 'yong mga 'yon."

"I can't wait. Ano na ang hitsura nila? Guwapo pa rin?"

"Mas guwapo pa rin si Vince," may malisyang sabi nito sa kanya.

Inirapan ni Georgie si Pio.

"Pikon agad ang ale!"

"Isa pa, lalayas na ako," maktol niya.

"Okay," sabi ni Pio. "Pero ano ba 'yong problema mo 'kamo?"

"Kailangan ko kasi ng matutuluyan pansamantala. Pinalayas ako ng daddy ko. Puwede bang makituloy muna sa inyo, Pio?"

Mukhang hindi na ito nag-isip. "No prob!" sabi nito. "Doon ka muna sa apartment ko."


Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)On viuen les histories. Descobreix ara