Chapter 10

10.9K 310 2
                                    

"ATE, MAY naghahanap sa 'yo," sabi ni Melba isang umaga. Nasa dining table si Georgie. Iyon ang ginawa niyang desk at kasalukuyan niyang binabasa ang reading materials na ibinigay ni Pete, tungkol sa mga cutflowers. Fascinated siya sa magagandang larawan ng mga bulaklak.

"Sino raw?" she asked.

"Pinsan ni Ate Sandy," sabi ni Melba.

"Papasukin mo." Binuklat niya ang magazine.

"Hi, ikaw ba si Georgina?"

Tumingala si Georgie, napatanga sa babaeng kaharap. Nasa beinte-uno lang siguro ang edad nito. Kahawig nga ito ni Sandy, pero kahit hindi pa niya nakakausap nang matagal, sigurado siyang hanggang pisikal na anyo lang ang hawig nito kay Sandy.

The girl in front of her looked too sure, too confident. Mukha ring feeling beautiful.

Tumango siya. "Can I help you, Miss..."

"Jennifer. Jennifer Banting. Pinsan ko si Ate Sandy."

"Ano'ng sadya mo sa akin?"

"Magsa-submit ako ng resumé. Kaga-graduate ko lang ng Accountancy. Nabanggit sa akin ni Ate Sandy na mangangailangan ang Bud Brothers ng mga tauhan when they start operating fully. Tinawagan ko si Vince, nag-confirm naman siya sa akin at sinabihan niya ako na ikaw ang kausapin." Ibinaba nito sa mesa ang isang brown na folder.

"Okay. Pag-aaralan ko ito, then I'll inform you." Hindi niya gusto ang dating nito. Mainit na kaagad ang dugo niya sa babae, lalo pa at parang close na close kay Vicente kung umasta.

"Sabi ni Vince, formality na lang daw ang pagsa-submit ko ng requirements, pero tanggap na raw ako."

"Talaga? Let me talk to him," sabi ni Georgie at tinawag si Melba. "Pakiabot nga ng cordless."

Agad namang ibinigay iyon ni Melba sa kanya. She dialed Vicente's office number.

"Fortune, good morning," anang sumagot, si Agnes.

"Hi, si Georgie ito. Si Vicente?"

"Ay, Miss Georgie, lumabas si Sir. Pupunta yata sa Balayan. May ipagbibilin ka? Sa cell phone mo na lang kaya tawagan."

"Hindi bale na. Kung babalik siya mamaya, pakisabi na lang mag-return call sa akin. Thanks." Pinisil niya ang end button ng cordless phone at tiningnan muli si Jennifer.

"Hindi ako puwedeng magbitiw ng salita sa iyo, at unfair naman sa ibang aplikante kung tatanggapin na kita kaagad na hindi dumadaan sa usual interviews and exams. Ibibigay ko itong papers mo sa manager at siya ang magde-decide kung pakukuhanin ka ng exam."

"Gano'n?" sabi ni Jennifer, mukhang dismayado. "Sabi kasi ni Vince—"

"I can't argue with that. But I want to be fair to all the applicants. Hindi pupuwede ang palakasan dito."

"Sige, hindi na ako magtatagal," sabi ni Jennifer. Nagmartsa ito palabas ng dining room. Tumayo rin siya para silipin si Mary sa kuwarto.

Dinig na dinig niya ang sinabi ni Jennifer kay Melba.

"Sino ba 'yon? Akala mo kung sino. Dayo lang naman dito. Isusumbong ko 'yan kay Vince."

Wala siyang balak magtimpi. "Excuse me," sabi niya.

Gulat na napalingon sina Jennifer at Melba. Kay Jennifer siya tumingin. "Isa-isahin lang natin, Miss Banting. Una, tinatanong mo kung sino ba ako, so let me introduce myself. I'm Georgina Yulo, George Yulo's daughter. Yes, he's the Justice Secretary; kaya sa ating dalawa, mas may karapatan akong umasta nang akala mo kung sino. Pangatlo, yes dayo lang ako rito. So what? Kaibigan ko si Pio and Vicente's my ex-boyfriend."

Mukhang mas nagulantang sa huli niyang sinabi si Jennifer, pero agad ding nakabawi.

"Well, nice meeting you, Miss Ex-girlfriend." Pagkasabi niyon ay iningusan siya nito at nagtuluy-tuloy sa labas.

"Nakita mo 'yon?" sabi niya kay Melba. "Nag-a-apply pa lang ng trabaho, antipatika na!"

"Maarte ho talaga 'yon, 'Te," wika ni Melba. "Sa kanila ako dati nagtrabaho. Si Ate Sandy ang nagrekomenda sa akin kaya hindi ako agad nakaalis. Nahihiya akong magsabi, eh. Pero nang hindi na ako nakatiis, nagsabi ako kay Kuya Pio. Siya na ang nagpaalam para sa akin. Mas gugustuhin ko pang magtinda ng mani kaysa magtrabaho sa mga 'yon."

"May gusto ba 'yon kay Vicente?" tanong ni Georgie.

"Lahat naman po ng lalaki gusto n'on. Kaya gusto niya sa Bud Brothers magtrabaho, para daw mapapaligiran siya ng mga guwapo araw-araw."

"Puwes, mabibigo siya." 

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Where stories live. Discover now