Part 3

13.1K 348 0
                                    


"H-how did you find me then?" tanong ni Bainisah.

"Noong mag-apply ka sa MBN, napadaan ako sa screening room. I heard your voice as you were doing your on-the-spot report. Nabighani ako sa boses mo.Nasabi ko agad sa sarili ko na may potensiyal ka na maging isang newscaster. I don't know why I suddenly got interested with you. Kinuha ko ang resume mo. You just can't imagine my shock nang mabasa ko ang pangalang nakalagay bilang nanay mo." Huminto ito saglit."Nakikiramay ako. I learned halos kamamatay lang niya."

Tumango lang siya. Ilang saglit na pinroseso niya sa kanyang isip ang mga sinabi nito."P-paano ka nakasigurong pinsan mo nga ako? Puwede akong maging anak ng nanay ko sa ibang lalaki, hindi ba?"

"It had been a month since your application at MBN. Sapat na panahon na iyon para masiguro ko kung ang nanay mo nga ang hinahanap ko at kung tama ang kutob ko na pinsan nga kita. First, we do the ABO Blood group typing. Alam mo ba kung ano ang ABO Blood group typing?"

Tumango siya. Iyon ang paraan kung saan imina-match ang mga blood type ng mga magulang at tinitingnan kung ano ang posibleng maging blood type ng magiging anak.

"Mula sa ospital na pinagdalhan ng nanay mo, nalaman ko na Type A siya. Ang mga Moreno ay type B. Using ABO grouping, posible na maging anak nila ay may blood type na AB."

Umawang ang bibig niya. "Type AB ako. Pero hindi sapat na basehan iyon para maniwala ako sa sa 'yo."

"Of course, alam kong hindi sapat na ebidensiya iyon. Pero malaking tulong ang ABO typing para gawin ko ang next step—ang DNA testing. Dahil patay na si Tito, last resort ko na lang ang ipahukay ang mga labi niya para kumuha ng DNA sample. Ayon sa research ko, puwedeng kumuha ng DNA specimen sa closest relative ng deceased person dahil halos magkapareho diumano ng DNA strands ang mga ito. Tinatawag iyon na Avuncular DNA testing. Sa ganoong paraan, puwedeng malaman kung magkamag-anak ang dalawang tao. Sa father ko ang ibinigay ko habang sa 'yo naman ay, well, may inutusan akong tao para kumuha ng hair strand monang palihim at kumuha rin ako sa daddy ko. Bukod doon, nagbigay rin ako ng sarili kong hair strand para i-match sa 'yo.It made the confirmation. You are my cousin, Bainisah."

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now