Part 33

11K 287 0
                                    


"GUSTO MO ng sagot? Puwes, sige, sasagutin kita ngayon din mismo.Si Zeke ay lalaki ko.Hindi ko siya mapakawalan because he has all the money and connections that I wanted!"

Huli na para bawiin niya ang mga sinabi dahil narinig na niya ang pagsinghap ng mga tao sa loob ng studio. Nang tingnan niya si Vladimir, nakita niya ang sakit sa mga mata nito.

"V-Vlad..."

Dumilim ang mukha nito at walang salitang tumalikod ito at mabibilis ang hakbang na umalis. Hahabulin sana niya ito para magpaliwanag pero tinawag na siya ng floor director para bumalik sa anchor desk dahil matatapos na ang commercial break. Hindi niya puwedeng ikompromiso ang trabaho. Labas iyon sa personal na buhay niya. She composed herself. Bumalik na siya sa anchor desk. The last remaining minutes of her broadcast were a blur. Ni wala siyang maalala sa mga sinabi niya.Nakahinga siya nang maluwag nang matapos ang news report. Mabilis na umalis siya sa studio at nagtungo sa dressing room. Mabuti nalang at walang nagtangkang mangulit sa kanya na media, kung hindi ay baka may mabulyawan siya sa mga ito sa unang pagkakataon.



   CHAPTER NINE

NASABUNUTAN ni Bainisah ang sarili niya pagkapasok na pagkapasok niya sa kanyang dressing room.

God! Bakit ba sinalubong ko ang temper ni Vlad!Kung bakit naman kasi ang kulit nito. Kung ano-ano pa ang sinabi nito na lalong nakapagpairita sa kanya. Alam niyang gumawa siya ng "balita" kaya kailangan niyang maagapan niya iyon, kung hindi ay magkakapatong-patong ang problema niya. Dali-dali siyang lumabas ng dressing room. Pupuntahan niya si Zeke sa opisina nito. Pakikiusapan niya ang pinsan na kausapin ang mga reporter na nasa studio kanina para hindi lumabas sa balita ang mga binitiwan niyang salita. Pagkatapos ay si Vladimir ang kakausapin niya.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now