Part 16

11.4K 367 9
                                    


A DATE with Bainisah. Napailing-iling si Vladimir habang palihim na sinusundan ang sasakyan ng dalaga. Ano ang pumasok sa isip ni Alexander para i-set up siya sa newscaster?

Oh, well, Vlad, wala ka namang ibang ginawa kundi titigan si Bainisah, buska sa kanya ng isip niya.

Marahas na napabuntong-hininga siya. Wala nga siyang ibang ginawa kundi titigan si Bainisah. Hindi niya gusto ang bagay na iyon pero wala siyang magawa dahil tila may kung anong kapangyarihan na humihigop sa kanya para tingnan ito. Sa buong buhay niya,noonlang nangyari na may babaeng nakakuha ng interes niya. Ang resulta, halos tumatak sa isip niya ang bawat anggulo ng mukha nito. She was more attractive in person.

Marahas siyang napaungol nang lumitaw sa balintataw niya ang mga labi ng dalaga. One sexy lip she has. Sa bawat pagbuka at paggalaw ng mga labi nito ay tila naakit siyang dampian iyon ng halik. He wondered how it feel to trace his lips with his finger and how it feel to kiss her. "Stop it Vladimir! Bainisah is off-limits!" mahinang sita niya sa sarili. "Huwag mong kalilimutan na pag-aari siya ni Zeke! At si Zeke ay kaibigan mo!" Pero hindi umepekto iyon dahil patuloy na tinutukso ng balintataw ni Bainisah ang kanyang isipan at imahinasyon. "Damn!" Sa sobrang inis niya ay napukpok pa niya ang manibela ng minamaneho niya.

Nang makatiyak na nakauwi na si Bainisahnang ligtas ay ibinuwelta na ni Vladimir ang sasakyan para umuwi. Nakalabas na siya ng subdivision nang itabi niya ang sasakyan. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Zeke.

"Zeke, katulad ng sinabi ko noon, may operasyon kami sa Mindanao sa susunod na linggo. That means hindi ko mababantayan si Bainisah," tuloy-tuloy na wika niya nang sagutin ni Zeke ang tawag niya. One week in Mindanao, he needed that to get back his bearing because he seemed to lose it. "I was enlisted, Zeke. Hindi puwedeng hindi ako sumama sa operasyon." Ang operasyon na iyon ang dahilan ng meeting niya dati kay General Ramos.

"I already made the necessary arrangement, Vlad. Go with your duty. Pero pagkatapos ng isang linggo ay kailangan mo nang tutukan si Bainisah."

He took a harsh breath. "Zeke, after one week ay tapos na rin leave ko. How about that?"

"Vlad. I'm sorry but you have no choice. Magagalit ka sa akin, buddy, pero I want to let you know na ipinagpaalam na kita sa superior mo—na nagkataong ninong ko. Pagkatapos ng operation n'yo sa Mindanao ay kukuha ka uli ng leave."

"Damn!" pagmumura niya dahil tila wala na siyang magagawa para makaiwas.

Humalakhak si Zeke sa kabilang linya.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now