Part 17

11.2K 382 3
                                    


"WHAT the—"

Mabilis na dinampot ni Bainisah ang broadsheet na nasa dressing room niya. Napailing-iling siya nang makumpirma niyang hindi siya dinadaya lang ng kanyang mga mata. Naroon sa pahayagan ang litrato nila ni Vladimir habang kumakain sa Café Caridad. Wala namang kakaiba sa litrato maliban sa silang dalawa ng sundalo ang naroroon. Alam niyang pagsisimulan iyon ng intriga lalo na at naging malaking balita rin ang pagkakaligtas sa kanya ng sundalo sa kamay ng isang kriminal.

Kaya pala kanina pa siya nakakapansin ng mga kakaibang tingin mula sa mga katrabaho niya. Bumuntong-hininga siya bago tinitigan ang litrato. Naka-side view si Vladimir sa kuhang iyon pero nakakatawag-atensiyon pa rin ang profile nito. Kitang-kita mula roon ang perpektong outline ng matangos na ilong nito.

Napapitlag siya nang tumunog ang telepono niya. Agad niyang kinuha iyon na puno ng antisipasyon. Subalit nakadama siya ng panghihinayang nang makita niyang hindi si Vladimir ang tumatawag kundi ang pinsan niya.

"You're on the paper, dear," wika agad nito, may himig ng panunukso sa tinig. "Ngayon ko lang nakita 'tong broadsheet."

"Inaasahan ko na 'yan," bale-walang wika niya.

"Tell me what's going on between the two of you."

Itinirik niya ang mga mata. It seemed ther cousin were also interested with the issue. "Iyan lang ba ang dahilan kaya ka tumawag? Zeke, I can't believe na nagawa mo pang maisingit ang pagtawag sa akin sa sangkaterba mong trabaho. Nothing's going on with me and Vladimir." Hindi na niya sasabihin dito ang ginawa ni Xander na pagse-set up sa kanila ni Vladimir.

Humalakhak ito. "Para sa pinsan ko, why not? Ah, hindi mo lang alam kung paano nawala ang pagod ko sa pagkakangiti ko ngayon. Hitting two birds with one stone! Ah, ang pagkakataon nga naman..."

Kumunot ang noo niya, naguguluhan sa huling sinabi nito. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Wala naman..."

"Zeke, kung ano-ano ang sinasabi mo. Walang namamagitan sa amin ni Vladimir, okay?'Y-yong dinner na 'yon, way ko lang ng pasasalamat sa pagliligtas niya sa akin sa Naujan," pagsisinungaling niya.

"Paano kung ligawan ka niya?"

Napipilan siya. Posible nga kaya na ligawan siya ni Vladimir? The idea excites her. Pakiramdam niya ay bumilis ang tibok ng puso niya sa isiping liligawan siya ng binata.

"Bai..." untag sa kanya ng pinsan sa kabilang linya. "Paano kung ligawan ka niya? Kung tatanungin mo ang opinyon ko, well, wala akong tutol. He's a good catch."

Mabuti nalang at sa telepono lang sila nag-uusap ni Zeke. Hindi nito nakitang napangiti siya. "I'll just cross the bridge when I get there, okay? Drop the subject, Zeke."

Natawa ito. "Okay, pasalamat ka at busy ako, kung hindi, tiyak na hindi kita titigilan. O siya, sige, ingat sa pag-uwi, ha. Bye."



Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now