Part 22

11.3K 368 10
                                    


NAPASINGHAP si Bainisah. Tiningnan niya ang mga mata ng binata. Nakita niya ang iba't ibang damdamin doon na tila naglalaban-laban.

He sighed. "Just let me hold your hand, Bai..."

Bai. Ang sarap pakinggan ng pangalan niya na namutawi sa bibig nito.

Bago pa siya makahuma ay kinuha na nito ang kamay niya at ikinulong sa mga palad nito. At para marahil hindi na niya magawang magprotesta, pumikit na ito at isinandal ang likod sa backrest ng upuan. Parang pagod na pagod ito. Pinagmasdan niya ito. Tila walang kapayapaan ang mukha nito dahil bahagyang nakakunot-noo ito at magkasalubong ang mga kilay.

Nawala ang inis niya rito. Bumuntong-hininga siya. Umangat ang libreng kamay niya para marahang haplusin ang noo nito at alisin ang gatla roon.Dumilat ito. Tinitigan siya ng malamlam na mga mata nito.

"Oh, Bai," wika nito na tila isang daing. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "Alam kong mali itong nararamdaman ko. Hindi ako traidor na kaibigan, pero hindi ko kayang labanan ito..."

Kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito. What did he actually mean by that? At kaibigan pala ito ng pinsan niya? Walang sinasabi sa kanya si Zeke. Bago pa siya makabawi ay sumeryoso na uli si Vladimir. Binitiwan na rin nito ang palad niya.

"Palit tayo, ako na ang magmamaneho. Ihahatid na kita," anito. Bumaba na ito ng sasakyan at lumigid sa gawi niya. Wala na siyang nagawa kundi ang makipagpalit ng puwesto. Ito na nga ang nagmaneho. Gusto niyang magbukas ng usapan pero tahimik lang ito habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. Kinuha na lang niya ang bag niya at inilabas ang isang makapal na folder. Laman niyon ang pre-interview notes na kailangan niya para sa interview niya bukas. Kailangan niyang mapagkakaabalahan dahil nabibingi siya sa katahimikan. Pero hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa dahil pilit bumabalik kay Vladimir ang atensiyon niya. Hanggang sa mamalayan niyang nakahinto na sa tapat ng bahay niya ang sasakyan. Ipinasok ni Vladimir ang sasakyan sa garahe. Sumunod ito sa kanya hanggang sa makapasok siya sa loob.

"Bainisah..." tawag nito.

Lumingon siya rito, nagtatanong ang mga mata. Pero pagkatapos siyang saglit na titigan nito, umiling lang ito at akmang tatalikod na pero marahang hinawakan niya ito sa braso. Ito naman ang nagtatanong ang mga mata na tumingin sa kanya.

Tumaas ang kamay niya para marahang haplusin ng mga daliri ang sugat nito na nilagyan niya ng Band-Aid noong magpunta ito sa bahay niya. Wala nang Band-Aid iyon.

"Medyo magaling na ang sugat mo," nakatingin sa noo nito na sabi niya.

Hinuli nito ang kamay niya. Lumaktaw yata ng tibok ang puso niya nang dalhin nito sa mga labi nito iyon at masuyong halikan. Nagtama ang mga mata nila.

Malalamlam ang mga mata na nagsalita ito."How I wish I could have you. Sana akin ka nalang para malayang-malaya akong ipakita sa 'yo ang nararamdaman ko. But I was too late..." anito, bahagyang lumungkot ang mga mata. Bumuntong-hininga ito bago tumalikod at tuloy-tuloy nang umalis. Wala siyang nagawa kundi sundan ito ng tingin.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now