Part 9

12.8K 368 10
                                    


"TITITIGAN MO pa ba siya o sasakay ka na sa motor ko?" bakas ang iritasyon sa tinig na sabi ng lalaki.

Hindi makita ni Bainisah ang mukha nito dahil sa suot na helmet. Hindi rin ito tumitingin sa kanya. Nasa tapat na niya ang bakanteng upuan sa likuran nito. Noonniya napansin na nagsipulasan na paalis ang iba pang namamasyal sa park dahil sa putok ng baril. Bagaman natitilihan pa rin ay sumakay na siya sa motorsiklo nito. Muntik na siyang malaglag nang paandarin agad nito ang motorsiklo. Napayakap tuloy siya rito na wala sa oras.

Sa kabila ng malakas na dapyo ng hangin sa kanya ay nanunuot sa ilong niya ang lalaking-lalaking amoy nito. Halatang mamahaling pabango ang gamit nito. Hindi niya alam kung dala langng malamig na hangin ang paninindig ng mga balahibo niya o iba ang epekto sa kanya ng amoy nito.

Who was this man? Kung sinuman ito ay nakasisiguro siya na bihasa ang lalaki sa paggamit ng baril. Asintado ito.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang tumigil ang motorsiklo. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes niya kaya natanggal agad niya ang mga braso niyang nakapulupot sa baywang nito. Naglabas ito ng cell phone at nakipag-usap sa tinawag nitong tinyente. Mukhang inilayo muna siya nito sa lugar bago nito ipinagbigay-alam ang nangyari sa park. He spoke with so much authority. Buong-buo ang boses nito na kababakasan ng katatagan at katapangan. Kapagkuwan ay tinapos na nito ang pakikipag-usap sa cell phone pagkatapos ay bumaba ito ng motorsiklo at humarap sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit tila pumitlag ang puso niya nang tuluyang matunghayan ang mukha ng kanyang tagapagligtas. He was very handsome! Para itong isang action hero. Matangos ang ilong nito. His lips were firm and his jaws were prominent. His eyes were looking fierce and there was something mysterious about how he looked. Medyo kulot ang buhok nito na lalong nakadagdag sa kakaibang appeal na mayroon ito. May katangkaran din ito at nakaka-intimidate ang presensiya nito. He was every inch a man! Higit sa lahat, mas guwapo pala ito sa malapitan!

"Captain Vladimir Mondragon!" bulalas niya. Sino ang hindi nakakakilala sa ubod ng guwapong sundalo na nakikipagpaligsahan sa kasikatan sa kapatid nito nasi Alexander Mondragon na isa sa highest-paid model sa bansa?Palaging nadidikit ang pangalan nito sa kapatid. Sikat din ito at hindi pahuhuli sa kapatid pagdating sa pisikal na hitsura. Parehong nag-uumapaw sa kaguwapuhan ang dalawa. Gayunman, may-pagkasuplado ito at ilag sa press.

"Ibabalik ba kita sa mga kasamahan mo? Pero kapag nagkataon ay hindi ko matitiyak ang kaligtasan mo, Miss Gandamato. Maaaring hindi nag-iisa ang nagtatangka sa iyo," wika nitong ni hindi ngumingiti.

"W-what do you suggest?"

Bumuntong-hininga ito. "I suggest, paunahin mo na paluwas ng Maynila ang crew mo. Delikado kung sasabay ka sa kanila." Iniabot nito sa kanya ang cell phone nito. "Call your home network. Magpadala ka ng chopper para madala ka na agad sa Maynila. Habang hinihintay mo ang chopper,puwede kang sumama muna sa akin sa Catalina. Ilang kilometro lang ang layo n'on dito. Safe ka roon."

"Ganoon na nga lang siguro," pagsang-ayon niya bago tinanggap ang cellphone nito. Una niyang tinawagan ang numero ni Yu ngunit out of coverage area ang number nito. So she dialed Zeke's private number. Nakikipag-usap na siya kay Zeke nang mapansin niya ang disgustong nakabadha sa mukha ni Vladimir Mondragon. Why? Because she was calling up Zeke? Nakakasorpresa kung alam pala nito ang intriga tungkol sa kanya at sa kanyang pinsan. Pakiramdam niya ay nabawasan ang paghanga at atraksiyong nararamdaman niya para dito dahil nagpapaniwala ito sa tsismis.

"I'm with Captain Mondragon, Zeke. Don't worry I'm fine," wika niya sa pinsan nang usisain siya nito kung ano ang nangyari. Zeke sighed in relief. Pagkatapos ay sinabi nito na magpapadala agad ng chopper para sa kanya. Sinabi rin niya na ito na ang bahalang mag-imporma sa mga crew niya. Pati na ang nangyaring insidente ay ito na rin daw ang bahalang mag-report.

"Thank you," aniya sa binata nang ibalik na niya rito ang cell phone.

"Sa number na tinawagan mo, doon ko ba ite-text ang coordinates ng bahay ko?"

"Coordinates?" wala sa sariling tanong niya. Damn! Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng coordinates. Kung bakit naman kasi tila nalulula siya sa presensiya nito.

"Coordinates. Longitude at latitude, iyon ang ginagamit ng mga sasakyang panghimpapawid para malaman ang eksaktong lokasyon ng isang lugar. Katumbas ng address iyon," kaswal na paliwanag nito.

"S-sige, doon na lang,"

Tumango lang ito pagkatapos ay muling sumampa na sa motor.

Iniyakap uli niya ang mga braso sa katawan nito nang mabilis na namang tumakbo ang motorsiklo. Damn! He really smelled good!

Namalayan na lang ni Bainisah na napapangiti na siya. Napakabilis ng mga pangyayari at noon din lang niya napagtanto na napakabilis niyang nagtiwala sa isang estranghero. Matatawag pa ring estranghero si Vladimir Mondragon dahil hindi niya ito lubusang kilala. Sa nasaksihan niyang talento nito sa paghawak ng baril, dapat lang na mangilag siya rito pero tila kabaligtaran niyon ang kanyang nararamdaman. Ni wala siyang nadaramang takot para sa binata.

Isa pa pala iyon sa ipinagtataka niya. Bakit magaan ang loob niya rito? Parang may kung anong estrangherong pakiramdam na lumulukob sa kanya tuwing titingin siya sa mga mata nito. Na parang natagpuan na niya ang matagal na niyang hinahanap at wala itong gagawing ikapapahamak niya kahit tila napakaramot nito sa ngiti.

Weird.Dati-rati naman ay mahirap para sa kanya ang magtiwala sa iba. Hindi nga ba at madalas sabihin sa kanya ni Zeke na allergic siya sa mga lalaki?Hindi rin siya gaanong sociable.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now