Part 23

11.3K 369 8
                                    


CHAPTER SEVEN

NAGMULAT ng mga mata si Bainisah. It was already dawn when she caught some sleep, yet her body clock never failed to wake her up early in the morning. Dumapa siya at pilit bumabalik sa pagtulog, tutal, Sabado nang araw na iyon at wala siyang pasok sa istasyon. Pero hindi na siya nakatulog. Gising na gising ang diwa niya at tulad kagabi ay okupado na naman ng iisang lalaki ang isip niya.

Ipinasya niyang bumangon na. She brushes her teeth and combs her hair. Pinatungan lang niya ng roba ang kanyang nightgown pagkatapos ay lumabas na ng silid para magkape. Pagkakape na niya siya maliligo.

Patungo na siya sa kusina nang may mag-doorbell. Kumabog ang dibdib niya. Puno ng antisipasyon na sumilip siya sa peephole. Tama ang hinala niya, si Vladimir ang naroon. Excited na binuksan niya ang pinto. Nawala na sa isip niya na nakaroba lang siya.

"Good morning," bati ng binata. Halatang bagong paligo ito dahil basa pa ang buhok nito. Nanunuot sa ilong niya ang bango nito. Casual shirt at cargo shorts lang ang suot nito at leathersandals. Ang magkabilang kamay ay nasa likuran. Preskong-presko ang hitsura nito.Muhang nakatulog ito nang maayos na kabaligtaran naman niya.

Pinigilan ni Bainisah na mapasinghap nang ngumiti nang malapad si Vladimir. It was so mesmerizing! Umaabot sa mga mata nito ang ngiti nito.

Marunong naman palang ngumiti nang malapad ang lokong ito.Nawala ang kaseryosohan ng mukha nito at mas naging maaliwalas ang aura nito. Lalo pa yatang lumakas ang karismang taglay nito. Aware kaya ito na nakakapanlambot ng mga tuhod ang ngiti nito?

"Good morning," bati uli nito. Kasunod niyon ay hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya. His eyes became darker as he surveyed her body. Nahuli pa niya ang paglunok nito nang tumigil ang mga mata nito sa mga dibdib niya na medyo naka-expose pala ang cleavage niya dahil hindi nakabuhol nang maayos ang roba niya. His mere intense look was enough to send shiver down her spine.

"G-good morning," ganting-bati ni Bainisah. Pasimpleng inayos niya ang pagkakabuhol ng kanyang roba. Tila nagwawala na sa rib cage ang puso niya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. "Pasok ka," anyaya niya rito.

"Salamat. Para nga pala sa 'yo..." Mula sa likuran nito ay inilabas nito ang isang pumpon ng mga bulaklak.

"T-thank you," aniya nang abutin kay Vladimir ang bulaklak. Sa totoo lang ay nasorpresa siya sa pagbibigay nito ng bulaklak. "Please have a seat. Magpapalit lang ako ng damit." Hindi na niya ito hinintay na tumugon. Tumalikod na siya para magtungo sa silid niya.

"Bai..." tawag nito bago pa siya makahakbang.

Lumingon siya.

"Patawarin mo ako, butI wanted so badly to do this."

At bago pa niya mahulaan kung ano iyon, angkin na nito ang mga labi niya sa isang matamis, mapusok na halik.

Napapikit siya kasabay ng pagdagsa sa napakasarap na sensasyon sa kaibuturan niya. Pakiramdam niya ay tumigil ang kamay ng orasan sa pag-ikot para ibigay sa kanila ni Vladimir ang sandaling iyon. Nagustuhan niya ang paggalaw ng mga labi ng binata sa mga labi niya. His smell was as intoxicating as his lips.

Parang gusto niyang tumutol nang pakawalan na nito ang mga labi niya.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon