Part 21

11.5K 369 8
                                    

GABING-GABI na nang lumabas ng MBN si Bainisah. Kapag ganoong oras ay tahimik na ang kapaligiran, wala na ang mga tao sa sidewalk at nagsipag-uwian na rin ang street vendors. Hindi na rin mainit sa labas, hindi na traffic at halos wala nang tao sa daan.

She pulled the strap of her bag higher on her shoulder, breathing in the rough air night. Tinungo na niya ang sasakyan niya at binuksan iyon. Pag-upo niya sa driver's seat ay binuhay agad niya ang makina ng sasakyan at nagmaneho palabas ng building.

"Hi," wika ng isang boses mula sa backseat.

Awtomatikong kumabog ang dibdib niya. At sa sobrang pagkabigla ay nawala ang atensiyon niya sa manibela. Mula sa kinauupuan sa backseat ay simbilis ng kidlat na nakalipat ang bumati sa kanya na walang iba kundi si Vladimir patungo sa passenger's seat. Hinawakan nito ang manibela at mabilis na kinabig iyon. Nanlamig siya nang makita na sasalpok sila sa isang concrete barrier kung hindi nito naagapan na iliko ang sasakyan. .

Inihinto ni Vladimir ang sasakyan niya sa gilid ng daan bago siya kinabig para yakapin.Noon lang niya napansin na nanginginig siya. "I'm sorry ginulat kita," anito habang marahang humahaplos sa likod niya ang palad nito.

Ramdam na ramdam niya ang sumisingaw na init sa katawan nito habang nakakulong siya sa bisig nito na tila ingat na ingat sa kanya habang yakap siya. Napapikit siya. She felt so at peace inside his arms. His wonderful manly scent filled her nostrils. Pakiramdam niya, kahit habang-buhay siyang manatili sa loob ng mga bisig nito ay hinding-hindi siya magrereklamo.

"I'm really sorry kung ginulat kita," mahinang sabi uli nito.

Dahil doon ay tila nabalik siya sa huwisyo. Naalala niya na muntik na siyang madisgrasya dahil basta-basta na lang itong pumasok sa sasakyan niya dahilan para magulat siya at mawala ang atensiyon niya sa pagmamaneho. Padarag na kumalas siya sa pagkakayakap nito sabay sampal dito.

"I deserve that," anito, hawak ang pisngi.

"You really deserve that! Muntikan na akong maaksidente dahil sa 'yo!" angil niya rito.

"I'm sorry."

Humalukipkip siya. "Paano ka nakapasok sa kotse ko? Ano'ng silbi ng mga guwardiya at alarm systems sa iyo?"

Sundalo siya, Bainisah. At hindi lang basta sundalo, magaling at highly-trained na sundalo, anang kabilang bahagi ng isip niya. Oo nga naman. Madali lang para dito ang gawin ang mga bagay na iyon dahil sa mga naging training nito. Ikinumpas niya ang kamay. "Huwag mo nang sagutin ang tanong kong iyon. Bakit ka pala pumasok sa sasakyan ko?"

Tinitigan siya nito. "Hindi pa ba obvious? I want to be near you! Hindi ako makontento na pinagmamasdan lang kita sa malayo kaya heto ako ngayon sa tabi mo. Damn! Gusto rin kitang hawakan ngayon, Bainisah!"

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now