Part 15

11.8K 399 18
                                    


GOD! HE'S so good at hiding his emotions. Puna ni Bainisah. Wala kasi siyang mabasang ano man mula sa mga mata ni Vladimir. Ni hindi siya makatiyak kung natutuwa ba ito sa pagkikita nila. Pero kahit paano ay kinakausap siya nito. Ang akala kasi niya ay mapapanisan siya ng laway sa sandaling makaharap niya ito. Hindi naman pala ganoon kalala ang pagiging man of few words nito o marahil perception lang ng media ang character na iyon ng binata.

"Matanda na ba ako?" mayamaya ay tanong nito.

"I'm sorry?" balik-tanong niya na hindi maunawaan ang tanong nito.

"Itong pagse-set up ni Xander, ngayon lang niya ito ginawa. So, I'm wondering if I am too old para siya pa ang maghanap ng makaka-date ko."

"Oh!" bulalas niya. She couldn't see any emotion in his eyes. Not even a glint of amusement upon saying those statements. At ano uli ang sinabi nito? Date? Was he really considering their setup as a date?

"Honestly, hindi ka naman matandang tingnan." Totoo iyon. He was far from looking old, matured maybe but not old. "Baka gusto lang lagyan ni Alexander ng kulay ang buhay mo."

"Kulay," tumatangong wika nito. "Maibibigay mo ba iyon?"

"Ha?" nalilitong tanong niya. Bakit humihina yata ang pickup niya sa harap ng binata?

"'Yong kulay na sinasabi mo, handa ka bang bigyan ng kulay ang buhay ko?" May paghahamon sa tinig nito.

Pakiramdam ni Bainisah ay na-corner siya sa tanong na iyon dahil ang totoo ay attracted siya sa sundalo. Gusto niyang tuklasin kung kaya ba niyang alisin ang seryosong aura nito. Of course, she was not that naïve, and she was strong enough to admit she was attracted to him. Napakalakas ng appeal nito at kung ang mga heartthrob ng MBN ay hindi man lang siya makadama ni katiting na kilig,pagdating sa lalaking ito ay tila bumalik siya sa panahong kilig na kilig siya sa mga crush niya.

"Apparently, not," sagot niya bago pa siya maipagkanulo ng nararamdaman niya.

"Why not?"

"Dahil katulad mo, I had a dull and boring life."

Sasagot pa sana ito ngunit mula sa kung saan ay may nagkislapang camera.

"Headline or blind item ka sa diyaryo. Eitherway, gusto kitang paalalahanan na mababalita ang pagkikita nating ito. I know you're a very private person and—"

"Madalas ding nadidikit sa kapatid ko ang pangalan ko. It's no big deal. Ikaw?"

"What about me?"

"Si Ezekekiel Moreno..."

"What about Zeke?" hamon niya rito pero nagkibit-balikat lang ito. Dumaan ang katahimikan. Mabuti nalang at nai-serve na ang pagkain nila. They ate in silence. Pero sa pagitan ng pagsubo niya, hindi pa rin niya napigilang pagmasdan ito. He was really handsome. Fine dining ang kinaroroonan nila pero hindi nakakaligtas sa kanya ang mga matang nag-uukol ng paghanga sa binata. If this man was a playboy then she was sure that a thousand hearts would shed a thousand tears. Pero sa kaunting oras na nakasama niya ito ay nasisiguro niyang hindi ganoong klase ng lalaki ang binata. She wondered if he had already fallen in love.

Natapos ang pagkain nila.Sa pagkasorpresa niya, naubos din niya ang mga in-order niya. Vladimir was modest enough to ask her if she wanted some champagne. Maayos siyang tumanggi. They decided to end their so-called date and call it a night. Tinawag na ng binata ang waiter para sa bill nila.

"Don't you dare, Bai," mahinang wika nito nang magtangka siyang kunin ang kanyang wallet.

"It's my treat."

"Not on our first date."

Naguluhan uli siya sa sinabi nito. Bago pa siya makatutol ay nakapaglabas na ito ng credit card at naiabot na iyon sa waiter. Hindi na siya nakipag-argumento pa. Pagkatapos ay sabay na silang lumabas ng restaurant. Lihim siyang napapangiti nang alalayan siya nito at ipagbukas ng pinto. Inihatid rin siya nito hanggang sa sasakyan niya.

Napangiti siya nang lihim.Okay, he was Mr. Gentleman.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now