Part 10

12.7K 367 0
                                    


ILANG SANDALI pa ay pumasok na ang motor sa isang daan na nalililiman ng mga punong-acacia.

Welcome to Catalina. Iyon ang nabasa niya sa arko.

Lumuwag ang pagkakayakap niya sa binata nang bumagal na ang takbo ng motor. Nagkaroon siya ng pagkakataong pagmasdan ang kanilang nadaraanan. It was all greenery. Preskong-presko ang hanging nasasamyo niya.

Abala pa rin siya sa kaliwa't kanang mga tanawin kaya nagulat nalang siya nang pumasok na pala ang motor sa isang napakalawak na bakuran na sa pinakagitna ay maringal na nakatayoang isang malaking bahay na yari sa marmol.

Bumaba siya ng motor, ganoon din si Vladimir.

"Kuya Vlad!" anang tinig ng matangkad na lalaking lumabas ng bahay. Nahigit niya ang kanyang hininga nang makilala niya ito. He was no other than the famous Alexander Mondragon, the supermodel! He was topless; he only wears his shorts. Kaya naman kitang-kita ang ganda ng katawan nito.

Kung ganoon, hindi pala retokado o produkto ng photoshop ang billboards nito!Why, Alexander Mondragon was really a hunk from head to toe!

"Oops! Sorry, may bisita pala." Mabilis na pumasok ito sa bahay at paglabas ay may suot nang pang-itaas. Lihim siyang napangiti. Ipinapakita lang niyon na may manners ito.

"Bainisah Gandamato?" wika ni Alexander nang marahil ay makilala siya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Vladimir pagkatapos ay ngumisi ito habang nakatingin sa kapatid.

Nilapitan ito ni Vladimir bago inakbayan. Hindi siya sigurado sa nakita niya pero tila bahagyang ginulo ni Vladimir ang buhok ng modelo. Isang act of fondness ng isang nakatatandang kapatid para sa nakababatang kapatid nito. Sa tingin niya, magkasundong-magkasundo ang magkapatid kahit ang napabalita ay may alitan sa pagitan ng dalawa dahil sa pera.

"Alexander, ikaw na muna ang bahala sa kanya. I'm dead tired. Darating mayamaya ang sundo niyang chopper," wika ni Vladimir sa kapatid pagkatapos ay bahagyang lumingon sa kanya at tumango. Kapagkuwan ay pumasok na ito sa bahay.

"Hi," bati niya. "Pasensiya na at makikigulo ako rito sa inyo."

"No problem. Pasensiya ka na kay Kuya, pagod lang 'yon.Teka, bakit ba dito tayo nag-uusap sa labas ng bahay. Come on in,Bainisah,"anyaya ni Alexander.

Pumasok sila sa bahay. Modern minimalist ang tema ng interior. Maayos siyang inestima ni Alexander na halos ikalula niya ang presensiya. Dinulutan siya nito ng merienda at pagkatapos ay naupo ito sa sala sa harap niya. Mataman siya nitong tinitigan. Parang nahuhulaan na niya ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon. He was thinking if Vladimir and her have something going on.

Bahagya siyang ngumiti. "Sorry,Mr. Model, mali ang iniisip mo. Narito ako dahil iniligtas ako ni Vladimir mula sa kapahamakan."

Parang gusto niyang matawa nang bumakas ang disappointment sa mukha nito. Pero agad din iyong napalitan ng pag-aalala.

"Iniligtas ka ni Kuya? Bakit, ano'ng nangyari?"

Ikinuwento niya rito ang nangyari sa park. "Mabuti na lang at naroon din siyanang mga oras na iyon. Napakagaling niya para ma-sense niya na nasa panganib ako gayong kung titingnan kami sa malayo ng lalaking nagtangka sa akin ay para kaming magkakilala talaga."

"Trained si Kuya sa mga ganoong circumstances. Saka sinisiguro talaga ni Kuya Vlad na dumaan sa park bago siya umuwi rito," sagot ni Alexander. Nababanaag niya ang kalungkutan sa tinig nito sa pagbanggit sa park.

"B-bakit siya dumadaan sa park?" hindi niya napigilang itanong.

Itinuro ni Alexander ang malaking portrait na nakasabit sa sala. It was composed of five people—dalawang may-edad na, dalawang binatilyo na nahihinuha niyang sina Alexander at Vladimir, at isang batang babae.

"She was Geraldine, kapatid namin. We fondly call her 'Hera.' Wala na siya ngayon, kasama na siya nina Inay at Itay sa Itaas. Si Vladimir ang nag-aalaga kay Hera kapag nasa bukid sina Inay noon. Ako kasi, mas gusto ko na sumama sa bukid o kaya ay maglakwatsa kaysa mag-alaga kay Hera—the only thing that I regret the most. Madalas sa park niya dinadala si Hera kaya maraming alaala roon sina Kuya at Hera."

"I'm sorry. Hindi ko gustong sariwain ang malulungkot na alaala." Isa lang ang naisip niya sa rebelasyong iyon ng modelo—na ang tigasing sundalo na si Vladimir Mondragon ay puno ng pagmamahal ang puso.

"Wala iyon. Matagal naman nang nangyari. They died in a jeepney accident. Iyon lang ang hindi namin matanggap ni Kuya Vlad. Hera was so young at the time at hindi man lang natikman nina Inay at Itay ang ginhawang dulot ng pagmomodelo ko." Ngumiti ito na tila nahihiya."Anyway, pasensiya ka na, Bainisah."

"Naku, ako nga dapat ang humingi ng pasensiya sa inyo, ako ang nakikigulo rito."

"Wala iyon, it is a pleasure to be of help," nakangiting sabi nito.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now