Part 32

11.3K 323 4
                                    


MARAMING tao sa studio kaysa karaniwang araw kaya medyo maalinsangan doon. Nasorpresa si Bainisah nang malaman na naroon si Vladimir. May ilan ding media roon, malamang ay nalaman na naroon ang sikat na sundalo.Vladimir was also a celebrity in his own right just like his younger brother. Nasa isang sulok ito, seryosong-seryoso ang mukha.

Bigla tuloy siyang natensiyon, idagdag pa hindi ganoon kaganda ang mood niya nang mga sandaling iyon dahil sa premenstrual syndrome. Hindi balanse ang hormones niya kaya mabilis siyang mairita lalo na at natetensiyon siya.

Iniwasan niyang salubungin ang tingin nito dahil naninibago siya sa presensiya nito sa loob ng studio. Lalo pa siyang nailang dahil tila hindi na kumukurap ang mga mata nito sa pagtitig sa kanya. Sanay siya sa media at kaya niyang i-handle ang mga iyon pero hindi ang matinding epekto sa kanya ng presensiya ni Vladimir.

Nakaupo na siya sa likuran ng anchor desk, nakaharap sa camera, at naghihintay para sa kanyang cue ilang sandali na lang. Naka-slacks siya at medyo formal na blouse. Maayos ding nakalugay ang buhok niya upang itago ang earpiece sa kanyang tainga na direktang nakakonekta sa central panel at sa mga technicians.Umilaw ang pulang ilaw ng LED ng camera na sinundan din ng hand signal ng technician. It was her cue to start.

"Sa ulo ng mga balita...." Sinimulan niyang basahin ang mga salitang lumalabas sa teleprompter screen. Mabuti na lang at nagawa niyang mai-deliver nang maayos ang ibinabalita niya kahit conscious na conscious na siya sa presensiya ni Vladimir.

Mayamaya ay nawala na sa kanya ang focus ng camera, lumipat na iyon sa kanyang co-anchor. Pagkatapos niyon ay commercial break na ang kasunod kaya may oras siya para puntahan ang binata at kausapin ito.

Nang mag-break nga ay mabilis na tinungo niya ang kinarooonan nito. Agad na tumayo ito nang makita siya. Pumunta sila sa isang sulok.

"Mukha kang tensed na tensed. Ayaw mo ba na narito ako? Puwede akong umalis na," anito na may bahid ng pagtatampo ang tinig.

"H-hindi naman sa ganoon. Kaya lang,may mga media rito ngayon.Baka kung ano ang isipin—"

"So that's it. Natatakot ka na makarating kay Zeke na narito ako at nag-aalala ka sa maaari niyang isipin? The hell with him!" mahina pero mariing wika nito.

Napalingon siya sa mga kasamahan nilang nasa studio. Ang ilan sa mga ito ay nakatingin sa kanila ng binata pero agad dingnagbawi ng tingin.

"Vladimir, huwag mo nang isali si Zeke sa usapan dahil labas siya rito. Besides, oo, inaamin kong natetensiyon ako dahil—"

"Damn it,Bainisah! Once and for all, gusto kong malaman para hindi na rin ako nanghuhula at nag-iisip ng kung ano-ano. Sino ba talaga si Zeke sa buhay mo?"

Hindi makapaniwalang napailing-iling siya. "Sa dinami-rami ng oras na puwede mo akong tanungin tungkol diyan, bakit ngayon pa na nasa kalagitnaan ako ng live newscast?" Huminga siya nang malalim at pilit kinontrol ang umaahong iritasyon. Kasalanan din niya dahil hindi agad niya nasabi kay Vladimir kung sino talaga si Ezekiel sa buhay niya. Kung bakit naman kasi kapag magkasama sila, nakakalimutan niya ang lahat. Isa pa, mula nang nagsalo sila sa dinner noong isang araw ay hindi pa sila nagkakausap nito dahil naging sobrang busy siya. Maging ito rin yata ay may mga inaasikasong mga bagay. "Hindi ngayon, Vladimir, please. Mamaya, let's talk. May mga bagay akong sasabihin sa 'yo. But please, not now, nasa gitna ako ng trabaho."Kung puwede nga lang na sabihin na niya rito ang tungkol doon. Pero alam niyang anumang sandali ay tatawagin na siya ng floor director para bumalik sa anchor desk.

Subalit hindi ito nakinig.Lalo pa ngang dumilim ang anyo nito. "Gusto ko ng sagot ngayon mismo, Bai. Alam kong ako ang mahal mo pero bakit parang hindi mo siya mapakawalan? May ipinangako ba siya na hindi ko magagawang ibigay sa iyo?"

Tuluyan nang bumigay ang pagtitimpi niya dahil sa pinaghalo-halong sakit ng ulo, tensiyon, at inis. Nairita rin siya sa implikasyon ng sinabi nito. "Gusto mo ng sagot? Puwes, sige, sasagutin kita ngayon din mismo.Si Zeke ay lalaki ko.Hindi ko siya mapakawalan because he has all the money and connections that I wanted!"

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now