Part 7

12.4K 333 0
                                    


BAINISAH smiled at the camera after shaking the hand of the city mayor. She held her poise and position until the signal came that the network feed was complete. Nang masigurong tapos na ang live feed nila, ibinaba na niya ang microphone bago hinarap uli ang mayor at nagpasalamat dito.Agad din naman itong umalis pagkatapos niyon.

"Good job,Bainisah, you're really the best," puri sa kanya ni YuMoriyama,ang producer niya at kaibigan. Yu was introduced to her by Zeke. Natatandaan pa niyang abot-langit yata ang itinaas ng isang kilay nito nang pakiusapan ito ni Zeke na ituro sa kanya ang mga pasikot-sikot ng pagbabalita. Yu tested her and her capabilities. At marahil ay pumasa siya sa standards nito dahil agad din niyang nakasundo ang babae. Ito rin ang nasa likod ng pag-i-improve ng pisikal na hitsura niya. She gave her a total makeover. Walang problema sa katawan niya dahil natural na slim siya. Gayunman ay binabantayan na rin niya ang kanyang diyeta. Aware siya na ten pounds ang nadadagdag sa hitsura ng isang tao kapag nasa harap na ng camera. Pati ang wardrobe niya ay pinakialaman din nito. Hindi na siya tumutol dahil alam niyang para sa kanya rin ang lahat ng iyon. Ayon kay Yu ay lalo raw lumutang ang angking ganda niya nang maayusan na siya.

"Thanks,Yu. I hope the interview did its purpose. Ma-realize sana ng mga tao sa gobyerno ang masamang magiging epekto ng pagmimina at huwag nang suportahan iyon. I admire the mayor for standing against them. Maging eye-openersana siya para sa lahat," wika niya.

"Oops, nadadala ka na naman ng emosyon mo. I told you hindi mo dapat isama 'yan sa trabaho lalo na kung nasa harap ka ng camera, lalabas na may pinapaboran ka. Anyway, let's just hope for the best. O paano, mauuna na ako sa iyo?" paalam nito bago hinagkan ang pisngi niya.

Napailing-iling din siya. Minsan kasi ay nalilimutan niyang huwag isatinig ang opinyon niya sa live feed nila. Kaya nga hindi na rin mabilang na death threats ang natatanggap niya dahil sa bibig niyang wala yatang kinatatakutan pagdating sa pambabatikos, kesehodang magbanggit pa siya ng mga pangalan. Maging si Zeke nga ay pinagsasabihan na rin siya na maghinay-hinay siya sa mga komentaryo niya. Ayon nga kay Yu, parang sinasaniban daw siya ni Gabriela Silang kapag nasa harap siya ng camera. But behind the camera, Bainisah Gandamato was just a simple and normal person.

Hinintay muna niyang makasakay na ito ng kotse nito bago niya binalingan ang crew niya.

"Good job everyone!" puri niya sa mga ito. She made it a point to always praise them for a job well done. Dahil kung hindi naman sa mga ito ay hindi maganda ang kalalabasan ng mga live feed nila. "Sino ang may gusto ng pizza?"

Nagtaas ng kamay ang lahat. Natatawang naglabas siya ng pera para sa pagkaing o-order-in. Iniabot niya iyon sa isa sa mga runner nila. May budget naman para sa pagkain nila pero kapag ganoon ay inililibre na niya ang mga ito.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Where stories live. Discover now