Chapter 01: Blazing Fire

30.5K 894 151
                                    


.


"Pagod na 'ko."




'Yan ang unang bumungad sa akin pagkapasok ko sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Boses iyon ni Kuya Luke na nakapanglumbaba habang nagma-mop.




I smiled. Mukhang sa buhay na siya pagod, hindi sa trabaho.




"Oh, Zeilyn? Maaga ka yata ngayon?" Bati sa akin ni manager nang makapasok ako sa staff room. Nginitian ko lang siya at nagtungo sa locker para isuot ang aking uniform.




"Hindi po ba kayo masaya na maaga ako, Miss Lina?" May halong birong saad ko. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa bago tumugon.




"Hindi naman sa ganoon. Nakakapagtaka lang kasi class hours pa ngayon—wait, nagcutting classes ka?!" Gulat na sigaw niya.




"Hindi po!" Depensa ko. Narinig ko naman ang malalim niyang buntong hininga. Napangiti nalang tuloy ako at sinuot ang apron bago lumabas ng locker room at dumeretso sa aking pwesto—sa counter. May mga katrabaho naman akong lalaki na bagay maging waiter kaya dito nalang ako sa counter.




While cleaning the coffee maker section. I spotted someone sitting beside the glass window and looking outside emotionlessly with his legs crossed. Nagtaka ako nang walang kahit anong nakalagay sa mesa niya. Napatingin ako kay Kuya Rhey at Kuya Luke na busy sa paglilinis ng mesa at sahig. Rush hour kasi kaya walang masyadong costumer. Hindi ba nila napapansin na may isang costumer na hindi nakuhanan ng order?




Unti-unti akong lumapit do'n sa lalaki. Mukhang hindi niya yata napansin ang paglapit ko kasi patuloy parin siyang nakatingin sa labas.




Ano kayang meron sa labas?




Nang dahil sa curiosity ay napatingin rin ako sa tinitingnan niya. Wala namang kakaiba maliban sa mga sasakyan na dumadaan sa kanto. Trip niya bang pagmasdan 'yon hanggang sa mabored siya? Parang wala siyang pakialam sa kanyang paligid.




"May kailangan ka ba, Miss?" Napatalon ako ng kaunti dahil sa gulat nang bigla siyang nagsalita kaya agad akong napayuko at naiilang na napakamot sa batok.




"Ahm.. kukunin ko lang ho sana ang order niyo." Mahinang saad ko. Sellf-service itong cafe' pero wala naman masyadong tao at hindi ako busy.




"Iced americano, double shots."




"Right away, Sir." Sabi ko at agad na nagtungo sa coffee maker section. I don't know why but I felt something weird about our guy costumer. His voice seems familiar to me. Parang narinig ko na 'yon somewhere?




Ewan.




Pagkatapos kong gawin 'yung order niya ay agad akong lumapit sa kan'ya habang hawak ko ang isang tray na pinaglalagyan ko ng kape. Nilapag ko 'yon sa mesa niya at nginitian siya. Ngunit, biglang naglaho ang ngiting 'yon nang makita ko ang buong mukha niya.




My heart sank at the time I met his red eyes.




Red-freaking eyes!




Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gusto ko ngang paniwalaan ang sarili ko na baka namamalikmata lan ako kasi naging itim ulit 'yon.




Porsha Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon