Chapter 07: Best Porshanist

7.5K 432 70
                                    


.

"Hmm..."



I woke up and immediately notice the white ceiling. Ilang minuto rin ang lumipas na ganoon lang ang pwesto ko bago binaling ang aking tingin sa side table para tingnan kung anong oras na.



It's still 5:15 am.



I lazily moaned and covered my face with the soft pillow. Sobrang aga pa. Plus, ang bigat pa ng katawan ko at halatang pagod. Dahil siguro ito sa ginawang matinding pagtakbo namin kahapon.



Ginawa kahapon?



Wala sa sariling napabangon ako nang mag-sink in sa akin ang mga nangyari. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa biglaang pagkahilo. I took a deep breathe and exhale it heavily.



Matapos kong magmuni-muni ay napagdesisyonan ko nang bumangon. Nangyari na ang dapat mangyari. Wala na akong magagawa. Siguro, 'yon talaga ang itinadhanang mangyari sa akin.



After that, I wear my school uniform and look my reflection in front of the mirror. It fits me well. But the skirt is too short for me. I think, it's five inches above the knee. Nahihiyang hinihila ko pababa ang dulo ng tela. Hindi ako sanay na ganito ka-ikli ang skirt na sinusuot ko.



Napabuntong hininga nalang tuloy ako at bagsak balikat na lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal. Pagkatapos kumain ay lumabas na ako sa aking dorm.



Panay ang hinga ko ng malalim habang naglalakad. Natatandaan ko naman ang daan palabas ng girls dormitory. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay habang papasok ako sa main building. Kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay ko rito? Sana hindi gano'n kalala gaya ng iniisip ko.



I felt so outcast while surrounded by other students. I breathe in heavily to make my nervousness calm down. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. But then, may biglang nakapansin sa akin kaya napayuko ako habang naglalakad. Whew!



"Transferee?"



"Bakit kaya suot niya ang uniform ng Best Porshanist? Is she one of them? How come?"



Mas lalo akong napayuko nang marinig ang mga bulungan nila. It felt so awkward and uncomfortable. At kahit hindi tingnan, alam kong nakatingin silang lahat sa akin ng mariin. Naramdaman ko pa ang paghawi ng nga estudyanteng nasa gitna at pumwesto sa gilid para makadaan ako ng matiwasay.



I'm that kind of person who used to be alone, ever since. The person who's more comfortable without anyone. I grew up in that way. Kaya nasanay na ako.



Sa 'di kalaunan ay bumilis ang aking paglalakad nang marinig ang bell. Nakita ko pa ang pagtakbo ng mga estudyante papasok sa kani-kanilang classroom kaya pati ako ay nataranta.



Nasaan ba kasi 'yong classroom ko? Kanina pa ako palakad-lakad pero hindi ko makita ang section TC6, or somewhat... Best Porshanist.



"Hey."



I stop walking when I heard a voice. Lumingon ako sa likuran at nakita ang isang babaeng sobrang lapad ng ngiti. Bumaba ang tingin ko a suot niyang uniform. Pareho kami.



Porsha Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon