Chapter 09: Facing Fears

7.5K 397 64
                                    


.

Walang ingay kong sinara ang pinto ng inukupa kong kwarto sa hospital at naglakad palabas ng gusali. Mahigit tatlong araw rin akong pinatili ng doktor sa kadahilanang kailangan kong magpahinga. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang magtagal ng ganoon. Dati naman ay isang check-up lang ay pwede na akong maka-uwi.

Maybe it was part of the hospital's service. Treating a patient very well. Iba kumapara sa normal na mundo kung saan ako nanggaling.

They are...hands on.

Minsan rin ay bumibisita sa akin ang aking mga kaklase kaya hindi ako masyadong na-bored.

Maliban kay Blood. I didn't see him again.

Nang makalabas ako ng tuluyan ay agad akong nagtungo sa main building upang hanapin si Jhea o kung sino man sa mga kaklase ko. Panigurado kasing nagsasanay na sila ngayon gaya no'ng sinabi ni Sir Niel na dapat naming gawin.

Mabuti narin lang at walang masyadong pasikot-sikot na daan sa lugar kaya agad akong nakarating sa aking destinasyon. There's only two way meters away from the hospital and I don't need to ask for location. The sign board says it all.

Akmang papasok na ako sa nasabing gusali nang makasalubong ko si Xavier kasama ang isang lalaking hindi ko kilala. Huminto ako sa paglalakad at akmang tatawagin siya nang makita niya ako at tinapik ang balikat no'ng lalaki at may sinabi tsaka sabay silang lumapit sa akin.

"Kamusta?" Agad na tanong niya nang makahinto sa aking harapan.

Ngumiti ako. "Okay lang naman ako, Xavier. Nagtetraining na ba kayo?"

Tumango siya. "Noong isang araw pa. Susunduin ka sana namin para sabay na tayong puntahan 'yung iba." Tumingin siya sa kasama tsaka sa 'kin. "Ito nga pala si Markov. Makakasama natin siya sa pagsasanay."

Ngumiti ako kay Markov at nakipagkamay. "Zeilyn Monarch." Pagpapakilala ko sa kan'ya.

Tinanggap niya ang nakalahad kong kamay at ngumiti rin. "I'm actually glad that you're here. Matagal na rin naming hinihintay ang pagbabalik mo."

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkakunot-noo. "Anong nais mong ipahiwatig? Pasensya na pero nagkamali ka yata. Ngayon lang ako nakarating dito, eh."

Nakita ko ang pagsiko sa kan'ya ni Xavier. "She doesn't know anything yet." Rinig kong bulong nito.

"Oh." Napalabi si Markov at gulat na tumingin sa akin. "Sorry about my words, Zeilyn. I can't help my mouth sometimes."

Mas lalong kumunot ang aking noo. I'm sure that behind those words, there is a story untold. They are probably hiding something from me, are they?

I shook my head to erase that thought. Bakit naman sila magsisinungaling sa akin, 'di ba? To think that we just met.

Are we... really?

"Zeilyn?" It was Xavier. "Let's go? Nasa hall na silang lahat."

Tumango nalang ako at sinundan silang dalawa ni Markov. Kahit sa paglalakad ay hindi parin mawala sa isip ko ang narinig kanina.

"Matagal na rin naming hinihintay ang pagbabalik mo."

Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng suot kong damit. Paanong matagal na nilang hinihintay ang aking pagbabalik? I'm sure as hell na ngayon lang ako nakapunta rito.

Porsha Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon