Chapter 17: The Book of Enchanter

5.3K 310 81
                                    


.


Nakatungo akong nakaupo sa mahabang sofa na ilang taon ring hindi naupuan. Nakatakip ang hindi kahabaan kong buhok sa aking mukha upang takpan ang medyo namamasa kong mata. Hanggang ngayon ay nanlalamig at nanginginig pa rin ang aking mga kamay na nakapatong sa aking hita. Pero hindi tulad kanina ay medyo nakahinga na ako ng maluwag.




Nasa kaliwa ko si Jhea at sa kaliwa naman nito ay si Xavier, habang nasa kanan ko si Blood na nakadequadrong nakaupo. Si Enzo at Gino ay nakaupo sa magkabilang single sofa.




Gugustuhin ko mang gumalaw ay hindi ko magawa. Nakahinga nga ako ng maluwag dahil kasama namin 'yung iba pero naroroon pa rin ang aking kaba.




'Yung m-multo kasi...nakatingin sa akin habang nakangiti ng nakakatakot. Kahit na may mini table ang nakapagitan sa amin ay takot pa rin ako.




I still remember clearly how she ran towars us. Mabuti nalang at dumating 'yung nga kalalakihan bago pa niya kami mahawakan. They said that it can suck our blood until there's nothing left, making me and Jhea pale. Mabuti nalang at hindi kami natuluyan.




The ghost seem to be afraid of the man right beside me.




Hindi ko akalain na may multo palang takot sa tao. Posible pala 'yon?




"I can't believe you, Jhea." Ani Enzo na nakapagpapabalik sa akin sa katinuan. "You're not afraid sneaking out the Academy knowing the punishment you'll receive but like a person who lost its soul after seeing this ghost."




Napasipol si Xavier habang si Gino naman ay halatang pinipigilang matawa.




"Yeah, right. Tapos dinamay mo pa si Zeilyn." Sambit ni Gino. Mas lalo akong napayuko.




"Shut—ahhh!" Tili ni Jhea nang lumapit sa kan'ya ang multo. Nanigas ako sa aking kinauupuan.




No, please. Don't come near me. I'm begging you, please.




Mahina akong napabuga ng hangin nang bumalik ito sa dating kinatatayuan.




"Bakit ka ba nananakot, ha?!" Galit na sigaw ni Jhea sa multo na ikinatawa ng tatlo. Kanina pa tahimik si Blood at gusto ko siyang lingunin pero pinigilan ko ang sarili. "At bakit ba palaging kami ang tinatakot mo?!




"Tatakutin talaga kayo niyan kasi takot kayo." Ani Gino. "Ghost are more likely scare those who are scared of them. It gives them fun."




Talaga? Kaya ba hindi nito nilalapitan ang iba? The boys didn't look scared after all. Maybe that's why.




"Tangina? Nakakatuwa bang halos mamatay na kami sa takot?!" Jhea shrieked. Masyado na siguro siyang natabunan ng samu't-saring emosyon kaya siya napamura. She doesn't cuss...I guess.




I heard Xavier tsked. "It's pass midnight already." Then he yawn. "Let's go back to the Academy."




Tumango nalang ako at tumayo. Wala na sa isip ko ang libro na tanging rason kung bakit kami narito. Nawala dahil sa takot.




Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan namin dapat pala nagpumilit akong h'wag sumama, malalim na sana ang tulog ko ngayon.




But it's too late to regret. We're already here.




Porsha Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon