Chapter 22: Preparation

5.3K 295 42
                                    


.

Sa makalawa na namin isasagawa ang mission kaya naghahanda na ako ngayon para mas maaga at hindi na ako mamroblema pa. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami mananatili doon kaya pang-apat na araw ang mga damit ang dala ko. Pati na rin other necessities.



I used the traveling bag pack that I found in the lower drawer of my closet. Tinupi ko ng maayos ang mga damit para magkasya at malaki ang space na matitira. I also put my toiletries inside the middle size pocket bag so it won't be a mess.



Nang matapos ay nilagay ko iyon sa sofa sa living room at pumasok sa banyo upang maligo at mag-ayos. Dahil wala pa ring pasok ay nanatili ako sa dorm buong umaga. Gusto ko pa sanang manatili hanggang hapon dahil 'yon naman ang ginagawa ko nitong mga nakaraan pero pinatawag ako ni Ma'am Trecia. So I found myself walking alone towards the faculty building.



Nandoon na si Jhea at ako nalang ang kulang. Pareho silang nakaupo ni Ma'am Trecia sa visitor's chair. Napili kong umupo sa bakanteng sofa. Bale napapagitnaan namin ang center table. Si Jhea sa kabilang sofa habang si Ma'am sa single sofa.




Umayos ng upo ang nakadequadrong si Ma'am Trecia at nilahad sa amin ang dalawang folders na nasa center table. May tatlong papel ang nakalagay sa loob. Bago ko pa 'yon matingnan isa-isa ay nagsalita si Ma'am.



"Ang unang pahina ay ang mapa ng lugar na ating pupuntahan. Remember I said that we're gonna protect the whole city?"



Tumango lang kami sa sinabi niya.



"Diyan tayo magsisimula. Look at the red dot on the south." Agad naming sinunod ang sinabi niya.



Because we are just looking at the blue print-like of the City, I can't identify what's in there.



"That part has the weakest protector among the city. Kaya wala rin masyadong tumitira diyan at ginawa nalang na tambakan ng mga halamang gamot na hindi na magagamit, pero kadalasan ay basura. We also have to be careful upon arriving there."



"Bakit po?" Puno ng pagtatakang tanong ni Jhea.



"There are lots of bad guys roaming around. Bad people."



Napatingin ako kay Ma'am Trecia matapos sabihin iyon.



"Our City may look perfect but the truth is not. We are far from perfect. Though, our leader is doing his very best to make it at least good. Pero may mga pasaway pa rin talaga." Tapos umiling siya. "Anyway, isasama natin ang limang Porshanist na may kakayahang patibayin ang barrier na nakapalibot sa teritoryo natin. We have to catch the bad guys while assisting them."



"By?" I'm confuse and anticipating.



Porsha Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon