Chapter 34: The King's Punisher

4.5K 276 45
                                    


.



Sunday morning, Zhyton, Braven and I are having our breakfast when Jhea and the others came. Kaya kung kanina ay tahimik, ngayon ay sobrang ingay at gulo. Pinag-aagawan ni Gino at Jhea ang mga natitirang hams. Si Enzo at Xavier naman ay kinakausap si Zhyton habang lumalamon.




Pinagdidiskitahan ni Enzo 'yung chicken hotdogs at 'yung corn beef naman kay Xavier. Pero ang lala ng kay Gino. E, hindi nga siya umupo simula nang dumating siya rito dahil matapos niya kaming batiin ng magandang umaga ay nasa pagkain agad ang atensyon niya.




Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Okay sa akin na nandito sila. Nakakagaan ng atmosphere ang vibes na dala nila.




"Grabe, Zeilyn." Napabuga si Jhea ng hangin. "You look so cool and fierce while answering the officials that day. I almost shout 'that's my friend, morons!'"




Natawa ako at uminom ng tubig.




"The people are shocked. But they are thankful." It was Xavier. "As expected, sari-saring reaksyon ang natanggap niyo nang malaman nila kung sino ka talaga." Aniya kay Blood. "But everything's okay now."




Nang makaramdam ako ng presensya sa likod ay agad akong lumingon at nakitang kakapasok palang sa dining area nila Markov, Ailes at Verdect.




Napangiti ako. Medyo matagal ko rin silang hindi nakita.




"Breakfast, guys?" Aya ko sa kanila.




Nanlaki ang mga mata ni Markov at malapad na ngumiti. "Sure!" Hindi na siya nag-alin langan na pumwesto sa tabi ni Gino at nagsimulang kumain. Si Verdect at Ailes naman ay walang imik na pinaningkitan si Markov ng mata at napailing na lumapit sa 'min.




"Kahit kailan talaga, ang kapal ng mukha." Rinig kong bulong ni Ailes na sa tingin ko ay narinig rin ni Markov dahil sinamaan siya nito ng tingin.




"At least ako hindi plastic. 'Di gaya sa 'yo na nahihiya pa kahit gustong-gusto nang kumain."




Lahat kami ay natawa sa sinabi niya. Kahit si Braven ay naiiling na nakangisi.




"You were bombed, Ailes." Ani Xavier.




"That was harsh of you, Markov. Gan'yan dapat!" Sabi ni Jhea sabay puri dito. "Ayoko sa lahat ay 'yung inaapi." Nagthumbs up siya rito.




"Hindi ko naman siya inaapi, ah?" Kunot-noong depensa ni Ailes.




Inismiran lang ito ni Markov at nagpatuloy sa pagkain.




Si Verdect naman ay lumapit kay Braven at may binulong sa tenga. Matapos n'on ay lumingon sa akin si Braven. Umalis si Verdect at umupo sa tabi ni Enzo.




"Your brother is here." Bulong ni Braven na mahina kong ikinasinghap.




"Where?"




"In his room. Recovering."




Agad akong nag-alala sa sinabi niya. "Bakit? May nangyari ba? Okay lang naman siya, 'di ba?"




To answer my questions, he holds my hand and kisses the side of my head. Doon palang ay alam ko nang may nangyaring hindi maganda.





AT TAMA NGA ANG AKING HINALA. Dahil nang makapasok ako sa silid kung saan ako hinatid ng dalawang tagapagsilbi ay nadatnan ko ang isang lalaking nakahiga sa malapad na kama na kakatapos lang gamutin ng dalawa pang lalaki.




Porsha Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon