Chapter Thirteen

295 17 0
                                    

Elizabeth's POV:

Minulat ko ang mga mata ko at may nakita akong isang multo! Kaya nahulog ako sa sofa.

"Kyaahh!" sigaw ko. Tinanggal niya ang mask... Mask lang pala yun? May baby!

Bakit may baby dito? Sino toh? Anyare? Nasaan ako?

"S-Sino siya?" turo ko sa baby.

"Oh Sorry!" paumanhin ni Ate Zelda at kinuha yung baby.

"Nixon! Don't ever surprise Tita Elizabeth!" suway sa kaniya ni Ate Zelda.

"Sorry Mommy!"  Mommy?!

"Sorry Tita Wizabeth!" Tita Wizabeth?!

"Nix! Say sorry to tita" utos ni Leigh kay Nix ba yun?

"Sorry tita Wizabeth... Who ware you?"

"She's your tito Leigh's girlfriend. So behave yourself Nixon, okay?"

"Okay mommy!" Bumaba na ang baby mula sa pag ka-karga ng mommy niya.

Lumapit si Nix sa kin at sinenyasan ako na parang umupo para pumantay sa kaniya. Kaya sinunod ko naman. Pag upo ko ay bigla niya akong kiniss sa cheeks.


"I'm shorey tita Wizabeth" pag papa cute niya. Cute!

"It's okay baby Nix" ngumiti lang siya at agad namang umalis paakyat. Naiwan nalang kaming tatlo dito sa baba.

Tumayo na ako ng maayos. At ngumiti ng bahagya.

"Oo nga pala! Asan ako?" Tanong ko sa kanila.

"You're in my house Elizabeth" sagot ni Ate Zelda.

"Bakit naman?"

"Tuturuan kang mag suot ng heels at lumakad ng maayos" sagot ni Leigh.

"Para saan?"

"Para sa Intrams! Para di mag mukhang tanga ang girlfriend ko!"

"Don't shout in front of your girlfriend!" Sigaw sa kaniya ni Ate Zelda.

Kung alam mo lang Ate Zelda na hindi kami sa totoo. Hayst!

"Anyway, anyhow..." saad ni Ate Zelda "Let's start?" 

Taka ko silang tinignan. "Start... what??"

"Di mo sinabi?" tanong ni Ate Zelda kay Leigh. Sinabi ang alin?

Napahampas ng noo si Leigh.

"Hayaan mo na nga... Elizabeth, tara?" 

"Tara saan?" 

"Sa taas" 

Hinatak niya ako pataas at iniwan si Leigh sa baba. Pumasok kami sa isa sa mga kwarto dito. May mga posters ng mga model. May tatlong pasukan, ang dalawa may pintuan ang isa wala.

Malawak ang kwarto. Sa dulo may piano, tapos may queen size bed, may chandelier, may couch, may flat screen tv. Pfft! Flat!

Tapos may veranda na may set ng pang tea. May round table na babasagin at upuan na white. Color ng room ay white na may light green color.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now