Chapter Twenty Eight

206 12 5
                                    

Elizabeth's POV:

Nasa byahe kami ngayon ni Leigh pauwi sa bahay.

Dapat nga ako lang mag isa ang pupunta pero ang sabi niya ay naka bus silang lahat at silang apat lang ang naka kotse kaya kay Leigh na ako sumabay. Malayo din dw kasi yung terminal ng bus.

Malapit na kami sa bahay. Dito palang ay kita ko na ang dami ng mga kotse ng mg pulis sa labas ng bahay at mga body guards.

Pagka park ni Leigh ay bumaba na ako kaagad. Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay namin. Nakita ko silang naka upo sa sofa, si mommy ay umiiyak at pinapatahan ni daddy. Ate Joy, Ate Hadley and Alexander is talking to the police with tita.

Patakbo akong lumapit kay mommy.

"What happened mommy?" lumingon ito sa akin with teary eyes. Magsasalita na sana ito nang bigla nalang akong sinabunutan ni Sam.

Nagpupumiglas ako pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa buhok ko.

"Kasalanan mo toh!"

"Ano ba Sam?!" malakas na sigaw ko. Patuloy pa rin siya sa pagsasabubot sa akin kahit pinipigilan na siya nina ate. Napa punta na rin sa amin ang atensyon ng lahat.

"Hey! Don't touch my girl!" nabitawan na ako ni Sam dahil itinanggal ni Leigh ang kamay niya sa buhok ko. Si Alexander na rin ang humarang kay Sam, nasa gilid niya naman si tita.

Nice! Ang gulo na ng buhok ko!

Galit na dinuro ako ni Sam.

"It's all your fault! It's always been your fault! Hindi ka na natuto Elizabeth! Inalagaan ka na sa Japan para magtino! But look! Everything got worse!" Galit na galit na asik nito sa akin.

"Stop it Sam" pagtitigil ni Alexander sa kaniya pero hindi ito nagpatinag.

"Halmeoni loved you so much na hindi niya na ako napapansin" nagulat ako nang may tumulong luha sa kaniyang mga mata "Her attention is all yours! But look what you did!" Bigla nalang ito humagulgol na ikinabigla naming lahat "It's so unfair!"

"What are you talking about?" naguguluhan kong tanong. My fault? Paano naman naging kasalanan ko? Lumayo na nga ako sa kanila para maging ligtas sila eh.

"WOW! Playing innocent again Elizabeth... Just wow"

"Hindi ko naman kasi talaga--!"

Naging mabilis ang pangyayari. Hindi man lang ako nakagalaw. Naka higa na ako sa sahig habang hawak hawak ang pisngi kong sinampal ng malakas ni lolo.

Napasinghap ang lahat dahil sa nangyari at puno ng gulat ang mukha. Maski ako gulat na gulat.

Mabagal kong nilingon ang galit na mukha ni lolo. Sobrang pula na ng mukha nito dahil sa galit.

"O-ojichan"

Nanginginig na ang labi nito dahil sa galit. Nangyayari iyan kapag galit talaga siya.

"You're a disgrace to this family!"

Napatulala naman ako dahil sa sinabi niya.

Nasasaktan ako. Sobra akong nasasaktan sa sinabi niya. Pilit kong inaayos ang lahat pero masama pa rin ang tingin nila sa akin. Nagpakalayo na ako para hindi na sila madamay. Pero… is it not enough?

Sinasabi ba niyang, sana hindi na ako dumating sa buhay nila?

"A-are you telling me n-na sana hindi na ako du-dumating sa buhay n-niyo?" Utal utal kong tanong. Nangingilid na rin ang luha ko na anytime ay tutulo na ito.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now