Chapter Forty [Part 2]

319 11 0
                                    

Elizabeth's POV:

Hinanda ko na ang mga kakailanganin ko mamaya para sa surprise. Nang makita kong ready na ang lahat ay tinawagan ko na si Leigh.

"Asan ka na?"

[[I'm always outside]]

"Okay"

Inend ko na ang call.

Pagkababa ko ay tinulungan ako nitong ilagay ang dala ko sa likod ng kotse. Nasa isang malaking kahon ang lahat ng gamit kasi ang dami kong hinanda para sa araw na ito.

"Bakit ang bigat nito?"

Tinaasan ko ito ng isang kilay.

"May problema ba?"

Hindi ito sumagot kaya ibinigay ko na sa kaniya ang blind fold.

"Wear this" utos ko sa kaniya.

"Why?"

"So the surprise won't be ruined, duh?" Inirapan ko ito.

He also rolled his eyes before answering "Fine"

Sinuot ko na sa kaniya ang blindfold.

"Happy Valentines strawberry" he murmured.

"Happy Valentines leader" I said, almost a whisper.

I drove the car to Enchanted Kingdom. Dito sila naging official ni Mary Anne.

I texted Mary Anne kung nasaan na siya at sabi niya hinihintay niya na raw ako. Nandito na kami sa EK after an hour. Sobrang traffic nakaka bwiset.

Binaba ko na si Leigh.

"Better be worth it yung pag blind fold mo sa akin Ms. Santos"

Napa irap ako sa sinabi niya. Hindi niya binitawan ang kamay kong hawak niya. Sabi ko sa kaniya sa siko ko lang siya humawak wag sa kamay ko talaga tsk!

Dala ko naman sa kabila ang chocolates at boquet roses na ibinigay niya dati kay Mary Anne. Nalaman ko ang story nila dahil kay Josh. Madaldal kasi kaya madaming nasabi HAHAHA!

Pinaupo ko muna si Leigh sa isang bench para mapuntahan ko si Mary Anne at ipapunta na siya sa place niya.

"Stay here" utos ko kay Leigh.

"S-saan ka pupunta?"

"I'll be back, don't even think about removing that sh*t" pagbabanta ko sa kaniya. Baka kasi tanggalin niya yung blind fold kapag wala na ako. Edi nasira na ang plano ko!

"Sir yes sir" nag salute pa ito. Umirap nanaman ako habang naka ngisi. Nakakailang irap na ba ako ngayong araw?

I went to Mary Anne patiently waiting for me in front of space shuttle.

"Dito kayo naging official diba? This exact place?"

Tumango si Mary Anne.

"Ano pa yung ginawa niya nung araw na iyun?"

Kinwento niya ang lahat ng ginawa ni Leigh para sa kaniya. So parehas lang yung sinabi ni Josh sa kin, cool.

Tumakbo ako papunta sa isang staff ng EK na kung pwede pakiusapan. Buti at nakilala ako nung isang head staff kasi kilala niya pala ang ate ko kaya pinagbigyan ako nito sa gusto ko. Nagpasalamat ako ng nagpasalamat.

I want to rent the place for the night but duh?! Mag aaksaya pa ba ako ng pera para sa kanilang dalawa? NO!

Sinabihan ko na rin yung staff sa ride na iyun na kung pwede wag na sila magpasakay ng iba. Last turn nalang iyun tas sinabi ko na rin na pinayagan ako ng head pero bago pa siya pumayag ay tinawagan muna niya ang head staff.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now