Chapter Twenty Five

222 11 0
                                    

Elizabeth's POV:

Nararamdam kong may sumasakit sa sikmura ko. Minulat ko naman ang mga mata ko at nakita ko ang mga kasama kong nasa harap ko. Galit ang kanilang mga mata.

"H-hindi ko iyan sinasadya" utal utal kong saad.

Ginalaw ko ang mga kamay ko pero naka tali pala ito.

"Hindi mo sinasadya? Nagpapatawa ka ba?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

Naglabas bigla ito ng patalim na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"H-Hindi"

"I will not be guilty kung mapapatay kita"

Palapit ng palapit ang patalim sa akin. Pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko.

No! No! NOOOO!

Bigla akong napamulat at huminga nang malalim. Tinignan ko kung nasaan ako at nasa gitna na pala kami sa kabundukan.

Nakita ko si Leigh na nag aalala habang hawak hawak ang magkabila kong braso. Naka tulala pa rin ako sa kaniya habang hingal na hingal. Parang akong sinu-suffocate.

"Elizabeth! Okay ka lang?!" nag aalala nitong tanong. Bigla akong napa balik sa realidad.

"H-huh?"

Napa buntong hininga naman ito. Binitawan na niya ang pagkaka hawak niya sa braso ko at inabutan ako ng bottled water. Pinunasan niya rin ang mukha ko. Hindi ko napansin na napapaliguan na pala ako sa pawis.

"What happened to you El? Binangungot ka ba? You're damn sweating"

Nanginginig kong ininom ang tubig ko. Why am I dreaming it again?!

"El! Magsalita ka naman! Nag aalala ako!" nabigla ako dahil sa sinabi niya. Nag aalala siya? Sa akin? Why?

"O-okay lang ako" naka tingin pa rin ito sa akin "a-asan na tayo?" why are you staring at me? Naiilang ako! The same ilang when Karl stares at me. Why am I feeling this way?

No!

Am I...? Hindi! Erase! Erase!

"Tumigil ako sandali nang sumigaw sigaw ka ng 'no!' paulit ulit" tumigil ito sa pagsasalita at hinawakan ang kamay ko.

Ouch!

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya nang may kuryente akong naramdaman. Nagulat din naman siya pero umayos din ito kaagad.

"Binangungot ka ba?" hindi naman ako nakasagot agad. What's happening to me?! Magsalita ka Elizabeth! Mukha kang tangang hindi nagsasalita!

Tango nalang ang sinagot ko dahil hindi pa rin ako maka salita.

"What kind of nightmare? Is it really that scary?"

"O-oo eh hehe" buti naman at sumagot ka na Elizabeth. Hindi naman ito sumagot at tinignan lang ako.

Why are you staring at me?!

"T-tara na Leigh, baka mahuli tayo. Mapagalitan pa tayo"

Bakit ka ba tayo ng tayo?! Wala namang kayo!

Meron kami pero peke nga lang.

Tinitigan niya muna ako bago niya pina start ang kotse at umalis na kami. Kumuha naman ako ng pagkain kasi gutom na ako. Oishi na maanghang lang naman ang kinain ko.

"Gusto mo?" tanong ko kay Leigh.

"Ayoko ng maanghang"

Binuksan ko din yung patata ko. Doble doble kinakain ko, oh diba? Kamusta ka naman tiyan? Kaya pa ba? HAHA!

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now